CHAPTER 16

120 2 0
                                    

CHAPTER 16



"Charm, Nag aaway si Zach at Luhan" isang malakas na sigaw ang nag patigil sakin sa pakikipag usap don sa tatlo. Nakita ko pang nanlaki ang mga mata nong tatlo nang makita nila si danny.

"Ah kita nalang siguro tayo next time" kinakabahang sabi ni Vivine at mabilis na tumakbo paalis kasama sila haliya at florence. Mukhang takot sila kay danny dahil part sya ng Black Knights.

Mabilis naman na lumapit sakin si danny na hingal na hingal. "Nag aaway si Zach at Luhan" pag uulit nya.


Tinaasan ko lang sya ng kilay at saka tinalikuran. Ano ba naman kase ang pakialam ko don sa dalawa? Mag patayan man sila wala akong pakealam. Idadamay pa nila ako sa mga away nila.

"Hindi mo ba sila pupuntahan?" tanong ni danny habang sumasabay sakin sa pag lalakad. "Hindi" maiksing sagot ko at nag patuloy lang sa pag lalakad.

"Ikaw ang dahilan kung bakit sila nag aaway at sigurado akong handa silang mag patayan para lang manalo." malakas na sigaw ni danny na ikina gulat ko.

"Nawala na si Cyruz, Wag naman sanang pati ang isa kay Luhan at Yuhan ay mawala." dagdag pa nya kaya natauhan ako.

"Nasan ba sila?" tanong ko sakanya.

"Sa likod ng school" sagot nya at mabilis na tumakbo. Sumunod naman ako sakanya. Kainis naman kase yang mag kapatid na yan at ano daw dahil sakin? takte yan. Ano drama nanaman?

Mabilis akong tumako at nang maka rating kami sa likod ng school ay bumungad sakin si Zach at Khael walang tigil sa pag susuntukan.

Pareho sila ay puro sugat at pasa na. Walang maka lapit sa dalawang nag susuntukan dahil sigurado akong takot sila na madamay.

"She's my fiance" rinig kong sabi ni Zach at sinuntok si khael pero agad yong nailagan ni khael.

Mukhang ako nga ang pinag aawayan. Pero bakit? ano nanaman bang nagawa ko?

Lalapitan ko ba? Malamang charm, baka mag patayan pa yan jan, kasalanan mo pa

Huminga muna ako ng malalim at agad na pumagitna don sa dalawa. Hinawakan ko sa kamay si zach para sana pigilan sa gagawin nyang pag suntok kay khael pero malakas akong itinulak ng gagong Zach.

Naramdaman ko nalang na tumilapon ako at ang pag tama ng aking ulo sa matilos na bagay.

"Charm okay ka lang ba?" tanong ni cloud at tinulungan ako sa pag tayo.

Tangina masakit yon ah! Hindi ko alam na malakas pala si Zach. Ang huling naka laban ko na ganon kalakas ay si Shadow hindi ko naman alam na may katulad pa pala si shadow.

Tiningnan ko naman yong dalawa. Nag susuntukan padin sila na para bang hindi nakita ang nangyari sakin.

Hirap naman nila pigilan! Wag ko nalang kayang pigilan? Total dahil naman pala sakin kung bakit sila nag aaway.

Napangisi ako nang may idea na pumasok sa utak ko. Kung hindi ko sila mapipigilan, sisiguraduhin ko na sila mismo ang titigil.

Nakangisi kong tiningnan si cloud. Nanlaki naman ang mga mata nya at dahan dahang umatras. "I know what your thinking charm, Hindi ko gagawin" mabilis na sagot nya habang nauutal pa.

"Just one kiss will do" sabi ko para umiling iling lang sya. Tiningnan ko naman yong iba pero tulad ni cloud ay ayaw din nilang pumayag.

"Cloud" maawtoridad na tawag ko sakanya. Nakasimangot naman syang lumapit sakin.

"P-Papatayin ako niyang dalawa" utal na sabi nya pero tinawanan ko lang sya.

"Kayo naman jan, gawin nyo kung anong dapat nyo gawin" nag tanguan silang lahat kaya hinila ko na papunta sa gilid si cloud.

"Zach tama na yan"

"Luhan paawat na kayo"

"Hoy wag kayo dito mag patayan"

Rinig kong sigawan nila stell na mukhang inaawat sila Zach.

"Just go with the flow" bulong ko kay cloud.

Then Lights, Camera,

ACTION!

"Alam mo namang matagal na kitang gusto cloud" sinadya kong lakasan ang boses ko para marinig nong dalawa.

"Hindi mo ba ako gusto CLOUD?" malakas pa ulit na sabi ko.

"Oo na, Gusto na kita" malakas din na sabi ni cloud. Pinipigilan ko ang sarili na  matawa pero dahil kaharap ko si cloud na parang takot na takot na ay napapatawa na ako pero bago pa ako maka tawa ay agad akong hinila ni cloud at niyakap na ikina gulat ko.

"Si cloud at charm ba 'yon?"

"Tangina! Nag yayakapan na"

Rinig kong sigawan muli nila stell. Nawala na ang ingay ng pag susuntukan kaya mukhang tumigil na yong dalawa.

Humiwalay naman ako sa pag kakayakap kay cloud at hinawakan sya sa mag kabilang pisnge at mabilis syang hinalikan sa gilid ng labi.

Rinig na rinig ko naman ang singhapan ng dalawang gang. Pero nangingibabaw ang malalakas at paulit ulit na mura ni khael at Zach.

"Goodluck, Cloud" nakangiting sabi ko sakanya at tinapik tapik pa ang balikat nya.

Humarap na ako don sa dalawa na ngayon ay parehong masama ang tingin saamin ni cloud.

"Bat kayo tumigil?" tanong ko sakanila.

"Mckenzie Charm"

"Frances"

Sabay na pag tawag nila sakin.

"What?" mataray na tanong ko.

"Guys Mabuti pa dalhin nyo na si khael sa clinic" utos ko sa Black Knights. Agad naman silang sumunod sa sinabi ko.

"Dark Horizons iwan nyo muna kami ni Zach"

Tulad nang black knights ay walang tanong tanong din na umalis ang Dark Horizons.

Kaya ngayon ay kaming dalawa nalang dito ni Zach.

"You kissed him" malamig at madiin na sabi nya. Bumuntong hininga naman ako at sinalubong ang mga tingin nya.

"To make you and khael stop" walang ganang sabi ko.

Heto nanaman ang puso ko. Nag wawala nanaman. Nakakainis na huh. Palagi nalang ganto tong puso ko simula nong makilala ko ang Zach na yan.

"You are my fiance charm" walang emosyon pa rin na sabi nya at dahan dahang nag lakad palapit sakin.

Napaatras naman ako dahil don. Hanggang sa maramdaman ko nalang na naka sandal na ako sa pader. Damn!

Nakangising tumingin sakin si Zach at inilagay sa mag kabilang tabi ko ang braso nya.

"You are not allowed to kiss anyone. Except me" sabi nya at sa isang iglap lang ay naramdaman ko na ang pag lalapat ng mga labi namin.

Hindi iyon katulad ng mga naunang halik na lapat lang, ngayon ay iginagalaw na nya ang labi nya. Para akong nalulunod sa mga halik na 'yon.

Ipinikit ko ang aking mga mata at para bang may bumubulong sakin na sumabay sa ginagawa nya. And that's what I did.

Gumanti ako sa halik na ginawa nya. Pakiramdam ko ay umiinit na ang buong katawan ko at para bang uhaw na uhaw ako sa halik nya kaya hindi ko na magawang bumitaw sa pag hahalikan naming dalawa.

SHE IS THE QUEEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon