CHAPTER 56

68 2 0
                                    

CHAPTER 56

THIRDPERSON POV
(Zach and Charm's One one One Fight)


MALALAKAS na hiyawan ang bumalot sa buong underground arena ng pumunta sa gitna ang leader ng Dark Horizons na walang suot na maskara. At mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga gangs na nasa loob ng underground arena nang pumunta rin sa gitna ang leader ng White Blood na nababalot ng maskara ang buong mukha.

One on One fight of the two strongest leader of gangs. Talaga namang inaabangan ng lahat ng mga gangters dahil sa wakas ay may humamon na sa leader ng White Blood.

Sa kabilang banda naman ay naka ngisi lang ang leader ng Dark horizons na si Zach dahil ngayon ay malalaman na nya kung tama ba ang hinala nya. Ilang araw na'rin kase syang nag hihinala na ang fiance nya at ang leader ng White Blood ay iisa.

"Kapag natalo kita, Ihanda mo ng tanggalin ang maskarang 'yan" nakangising ani ni Zach sa babaeng kaharap na hindi nya malaman kung anong ekspresyon ang meron dahil naka maskara ito.

"If you can beat me" pang hahamon naman ng babae sakanya na ikina kunot ng noo nya. She's not using any voice changes but why does her voice sounds different from my baby? Mali ba ako ng hinala? Damn!

Ang malalakas na hiyawan at palakpakan naman ay nawala at nabalot ng naka bibinging katahimikan ang buong underground arena ng pumunta sa gitna ang isang babaeng naka pulang maskara.

Kahit nasa malayo palang ang babae ay ramdam na ng lahat ang nakaka takot nyang presensya. Hindi nila inaasahan ang pag dating ng Queen dahil alam nilang hindi naman ito mahilig manood ng mga gantong klase ng labanan.

"Hello, Everyone" malakas na bati ng babaeng naka pulang maskara na ngayon ay hawak hawak ang mic. Agad namang nag si palakpakan at hiyawan ang mga tao na nasa loob ng Underground arena.

Sabay sabay namang tumayo ang lahat at yumuko habang naka harap sa Queen bilang pag bibigay ng respeto dito.

"I'll be watching this fight because this is a special one. A one on one fight for the first time." malakas ngunit napaka lamig ng boses ng babaeng naka pulang maskara na nag dulot ng kakaibang takot sa lahat ng nasa underground arena.

Marami naman ang nag tataka dahil hindi ngayon kasama ng Queen si King Shadow. Inaasahan rin kase ng mga manonood na mag kasama ang dalawa.

Mukhang nabasa naman ng Queen ang iniisip ng ibang nanonood dahil agad syang nag salita ulit. "But Unfortunately My king won't make it here because he has an important things to finish"

Matapos naman mag salita ng babaeng naka maskara ay lumapit sya sa dalawang leader na nasa gitna.

"No weapons are allowed. I don't want a bloody fight. Goodluck" malamig parin ang boses niya pero sa likod ng mga maskara ay isang babaeng naka ngisi.

"We'll give you an unforgettable fight Queen" nakangising wika ni Zach at tumango tango lang ang reyna at pag katapos ay nag lakad na paakyat sa VIP seats na nasa itaas ng Underground Arena

"Okay, Ladies and Gentlemen let's start the fight" malakas na sabi ng MC na naging hudyat ng pag sisimula ng laban ng dalawang leader.

NANG maka akyat na ang Queen ay nag simula na rin ang labanan sa pagitan ng dalawang leader.

Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Zach pero nailagan lang 'yon ng kalaban nya. Ilang atake pa ang pinakawalan nya pero lahat 'yon ay naiilagan lang ng babaeng nasa harapan nya na para bang alam na alam na nito ang mga sunod nyang galaw.

"Akala ko ba tatalunin mo ako? Eh. Bakit hindi mo manlang ako mapa tamaan?" may halong pangaasar ang boses ng kalaban nya na talagang ikina inis nya.

Kaya isang malakas na suntok at sipa ulit ang pinakawalan nya pero talagang hindi nya matama tamaan ang babae. "Boring mo  naman palang kalaban" nang aasar pang sabi ng babae at nag simula ng mag pakawala ng iba't ibang atake kay Zach na hindi naman magawang iwasan nito.

Nag pakawala ng isang malakas na suntok si Zach at napangisi naman siya ng tamaan sa tiyan ang kalaban nya na ikina atras nito.

At kinuha naman nya iyong pag kakataon para atakihin ulit ang babae pero nagulat sya ng biglang mag pakawala ng malakas na sipa ang babae na ikina talsik nya.

Damn it! Kaya ba ayaw syang kalabanin ng iba? This is Embarrassing! Fuck it!

Sa kabilang banda naman ay si Mckenzo Villamerious na hindi maipinta ang mukha habang nanonood sa nangyayaring labanan.

"What the fuck is really happening?" Bulong nya sa kanyang isipan habang pinapanood ang leader ng white blood na nakikipag laban kay Zach.

Pero ang talagang nag pakunot sa noo nya ay nang makita ang kakambal na kasama ang Dark Horizons at Black Knights sa upuan. Walang suot na maskara ang kakambal nya kaya sigurado syang ang kakambal nya 'yon. Pero ang kakambal nya ay kalaban si Zach. At nandon pa ang kakambal nya sa VIP seats na nanonood lang sa labanan.

What the fuck is happening?

Agad namang napunta ang atensyon ni Mckenzo nang marinig nya ang sunod sunod na pag singhap ng mga nanonood sa labanan. At nang tingnan nya ang nangyayari sa gitna ay agad syang napa tayo ng gulat.

SAMANTALANG si shadow ay nakangisi lang na nanonood sa nangyayaring labanan ay mas lalong lumawak ang ngisi nya nang makitang natanggal ang maskara ng leader ng White Blood.

'Masyado talagang matalino ang reyna ko' ani nya sa sarili habang naka tingin kay Mckenzie Charm na ngayon ay seryosong nanonood lang ng laban.

ANG LAHAT ng tao sa underground arena ay napasinghap sa gulat nang biglang matanggal ang maskara ng leader ng white blood habang nakikipag laban sa leader ng Dark Horizons.

Lahat ay naka titig lang sa magandang mukha ng babae. Ang iba na pamilyar sa mukhang iyon ay agad na nag tayuan at sabay sabay na yumuko sa habang naka tingin sa babaeng nasa harapan nila.

"What the fuck?" malakas na mura ni Zach ng makita ang kabuuang mukha ng babaeng kalaban nya na ngayon ay naka ngisi lang habang naka tingin sa kanya.

SHE IS THE QUEEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon