CHAPTER 20

132 3 0
                                    

CHAPTER 20


Isang linggo na simula nang mag tulungan kami ni shadow na hanapin ang leader ng Black Snake Organization pero hanggang ngayon ay wala parin kaming nahahanap na kahit ano.

Masyado silang magaling mag tago pero hindi ako susuko basta basta at hahanapin ko sila.

Gaganti ako sa lahat ng ginawa nila sa pamilya ko.

"Charm" sigaw ng kung sino na naka pag patigil sakin sa ginagawa ko.

Inis kong inilapag sa table ang cellphone ko at tiningnan ng masama kung sino ang sumigaw.

Kausap ko lang naman si kenzo dahil sinabi ko sakanya ang lahat nang nalaman ko and just like me galit na galit na sya.

Sinabi ko din sakanya na huwag nalang munang sabihin sa iba ang sinabi ko sakanya at pumayag naman sya.

Tiningnan ko naman ang tumawag saakin kanina at tinaasan sya ng kilay.

"What happened? Asan yong iba?" tanong ko sakanya at inilibot ang paningin.

Malapit na kase mag time pero wala padin dito ang mga asungot pati ang dalawa nilang leader ay wala.

"Sa garden po, hindi namin sila maawat" sagot ni wendel na pawis na pawis at hinihingal.

Mabilis akong tumayo sa kinauupuan ko at nag lakad papunta sa garden.

Lahat ng mga nakakasalubong ko ay napapatingin sakin. Ang iba nginingitian ako pero ang iba naman ay sinasamaan ako ng tingin.


Well siguro dahil naiinggit sila dahil kasama ko sa iisang classroom ang Dark Horizon at ang Black Knights.

Mabuti nga at wala nang nakikialam sakin ngayon. Wala ng mga bigla bigla nalang mang bubuhos ng harina, mang babato ng itlog at nang bubugbog.

Mukhang natakot sila dahil nagawa kong talunin si Nicholas Last week.


Marami pa akong nakaka salubong na sinasamaan ako ng tingin at hindi naman ako nag patalo. Sinamaan ko din sila ng tingin.

Akala ba nila masaya makasama ang dalawang grupo na 'yon? No way!

Nakaka stress kaya dahil halos araw araw ata ay nag aaway ang mga lalaking yon.

Lalo na si Khael at Zach wala atang araw na hindi sila mag kaaway.

Ang kambal na 'yon kuhang kuha talaga nila palagi ang inis ko. Para silang mga bata.

Nang makarating kami sa garden ay naabutan namin ang mga nag tumpok ng students.

Talagang dipa nila pinigilan ha!

Inis akong nakisingit sa mga nag tumpok na estudyante at bumungad sakin si Zach na hindi tumitigil sa pag suntok don sa isang lalaki samantalang si Luhan naman at ang iba namin kaklase ay sinusubukang awatin si zach.

Himala ata hindi si Zach at Luhan ang mag kaaway ngayon.

Maraming lalaki ngayon ang mga naka higa sa damuhan at walang malay, mukhang ang gang ni zach at luhan ang may kagagawan non.

Pero bakit?

Ano ba talagang nangyari?


Nakatitig lang ako ngayon kay zach na hindi tumitigil sa pag suntok sa lalaking nakahiga na ngayon sa damuhan.


Duguan na ang lalaki at sa tingin ko ay malapit nang mawalan ng malay. Sinubukan pa nga syang awatin ni Khael at ng iba nyang mga kaibigan pero talagang hindi nila magawa manlang lapitan si zach.

SHE IS THE QUEEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon