CHAPTER 63

68 4 0
                                    

CHAPTER 63

"Water?" napatingin ako kay Zach at napa tigil sa pag kain ng abutan nya ako ng bottled water na agad ko namang kinuha at ininom.

Kanina pa kami dito mag kasama sa room pero hanggang ngayon ay wala parin ang Black Knight at Dark Horizons. Hindi pa rin ako nakaka tanggap ng message o tawag mula sa kahit isa sa kanila.

Ang akala ko nga ay naka sunod lang sila saamin pero hanggang ngayon ay wala pa sila kaya nag aalala na ako.

"Hindi pa ba sila tumatawag sayo?" tanong ko kay Zach pero umiling iling lang siya kaya napa tayo na ako sa kinauupuan ko at agad na kinuha ang cellphone ko saka ini dial ang number ng leader ng Queen's Elite Force.

"Queen, Need anything?" tanong ng nasa kabilang linya.

"Can you track the location of Black Knights and Dark Horizon–"

Hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pinto at sunod sunod na pumasok don sila Cloud na sugatann, nakita ko naman sa gilid ng mata ko na agad silang inalalayan ni Zach. Agad kong pinatay ang tawag at mabilis silang nilapitan.

"What the fuck happened?" tanong ko sa kanila.

"M-May mga van na s-sumunod saamin kanina nong p-pabalik na at pina ulanan kami ng bala. M-Mabuti nalang at naka alis agad kami." Nahihirapang sabi ni danny na siyang sumagot sa tanong ko.

Mahina naman akong napa mura dahil sa mga narinig ko pero agad din akong natigilan nang makita kong kulang sila ng tatlo.

"Where's Flyn, Ivough and Khael?" nag aalalang tanong ko. Akmang sasagot na sana si cloud pero may pumasok na dalawang lalaki sa loob ng room at may buhat buhat silang isang lalaki na duguan din tulad nila.

Nanginginig naman akong lumapit sa mga bagong dating. Ibinaba nila ang buhat buhat nilang lalaki at ngayon ay kitang kita ko na ang ilang tama nya ng baril sa katawan na ikina singhap ko sa gulat.

Wala siyang malay kaya agad kong tinapik tapik ang pisngi nya. "K-Khael" mahinang pag tawag ko sa kanya pero wala akong makuhang sagot mula sa kanya kaya muli kong tinapik tapik ang pisngi nga kahit na nanginginig ang kamay ko.

"K-Khael, Wake up.." pag gising ko sakanya pero wala parin akong makuhang sagot mula sa kanya. Naramdaman kong tumutulo na ang luha ko sa mga mata ko at hindi ko magawang pahiran yon dahil ang dalawang kamay ko ay naka hawak sa ulo at kamay niya.

"No! God, please." umiiyak kong sabi pero wala parin parin akong makuhang sagot mula sa kanya. Pero kahit ganon ay naka hinga naman ako ng maluwag dahil naririnig at nararamdaman ko pa ang pag hinga niya.

"Ivough, my phone" mahinang utos ko kay ivough na katabi ko lang. Agad naman nyang kinuha ang cellphone na mukhang nabitawan ko.

Nang maibigay nya saakin ang cellphone ko ay agad kong tinawagan si Kenzo.

"Mag padala ka dito ng doctor. Wala akong pakialam kung sino. Basta marami. Ten or twento or Thirty wala akong pakialam kung ilan basta mag padala ka dito ngayon din."

Maawtoridad na sabi ko. Hindi ko naman narinig ang sagot niya pero alam kong narinig niya ang sinabi ko.

Muli kong ibinalik kay khael ang atensyon ko nang maramdaman ko ang pag hawak nya sa kamay ko. "F-Frances" rinig kong mahinang pag tawag niya sakin.

Agad ko nang inilapit ang tenga ko sa bibig nya dahil alam kong may gusto syang sabihin saakin. Nang marinig ko naman ang gusto nyang sabihin ay napa tango tango ako at muli siyang tiningnan.

Napa punta naman ang atensyon ko sa pinto ng pumasok don ang napaka raming doctor na sa tingin ko ay nasa 50 silang lahat at sa unahan nila ay nandon si kenzo.

"Gamutin nyo na silang lahat" utos ni kenzo sa mga doctor at agad naman siyang sinunod ng mga ito.

Nang mag tagpo naman ang mga mata namin kenzo ay agad siyang lumapit saamin ni khael. "Is he okay?" tanong niya pero umiling iling lang ako.

May tatlong doctor naman ang lumapit saamin at sinimulang turukan si khael ng Anesthesia at pag katapos ay ginupit ang damit ni khael.

Nanlaki naman ang mga mata ko ng bumungad saakin ang ilang tama ng baril sa katawan ni khael. Shit!

Nag simula namang gamutin ng mga doctor si khael. Ako ay nanatili lang sa tabi niya. Naka unan sa hita ko nag ulo nya at hawak ko naman ang dalawang kamay nya.

Napatingin naman ako sa mga kasamahan namin na ginagamot ng mga doctor. "This is all my fault" mahinang sabi ko at paulit ulit na nag mura.

Nakita ko naman si Zach na tumutulong sa pag gamot kay Ivough. Hindi ko alam pero naka ramdam ako ng inis sakanya dahil hindi manlang niya pinuntahan si Khael.

"Tapos na po" napa tingin naman akong muli sa mga doctor na gumamot kay khael.

Puro benda na ang katawan ni khael at ngayon ay may malay na din siya.

"Frances" mahinang pag tawag nya saakin at dahan dahang bumangon at hinawakan ang kamay ko. Napa kunot naman ang noo ko ng makita kong medyo nag kukulay violet na ang balat nya.

"Shit!" mahinang mura ko at agad na tiningnan ang mga balang naalis sa katawan niya. Agad namang nanlaki ang mata ko ng makita ko ang kakaibang na nandon.

May lason ang isang balang nandon. Napa lunok naman ako at agad na tumingin kay khael. Walang pag dadalawang isip ko namang kinuha ang maliit na bote na palagi  kong dala ko.

"Drink this" utos ko kay khael pero umiling lang siya na ikina kunot ng noo ko.

"M-May I-Iba pang may ka-kailangan Jan" mahinang sabi nya pero hindi ko siya pinakinggan. Inalis ko ang takip ng bote at ininom ang laman non pero hindi ko nilunok.

Agad akong humarap kay khael at walang pag dadalawang isip kong hinawakan ang dalawang pisngi nya at hinalikan siya sa labi. Narinig ko naman ang singhapan ng mga nandito sa loob ng classroom pero hindi ko sila pinansin. Ito lang ang paraang naiisip ko para mainom nya anh gamot.

Ibinuka ko ang labi ko at pinalalim ang pag halik sakanya. Naramdaman ko naman ang pag tugon nya sa halik ko na ikinangiti ko dahil naipasa ko na sa kanya ang gamot.

SHE IS THE QUEEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon