CHAPTER 64

65 2 0
                                    

CHAPTER 64


"Kailangan ba talaga hawak mo ang kamay niya kahit natutulog sya?" Napatingin naman ako kay kenzo dahil sa tanong niya.

Tiningnan ko ang kamay ko na naka hawak sa kamay ni Khael na hanggang ngayon ay natutulog parin. Nagising na siya kanina pero natulog na ulit pag katapos uminom ng gamot.

Nandito kami ngayon sa hospital dahil pag katapos niyang mainom ang gamot ay nawalan siya ng malay at kailangan pang ipa check ang dugo ni niya pero tingin ko naman ay maayos na siya dahil nakaka tawa at nakaka lakad na siya kanina na para bang walang nangyari sakanya.

Hindi na rin kulay violet ngayon ang balat niya dahil sa pinainom ko sakanyang gamot. Well it's the La Queen's Anti-dote kaya sigurado akong gagaling siya.

"Kung ako sayo bibitawan ko na ang kamay niyan at lalabas na dahil isang oras ka nang hinihintay sa labas ng Fiance mo" ani pa ni kenzo na ikina buntong hininga ko.

Binitawan ko ang kamay ni khael at hinalikan siya sa noo. "Take care of him. Tawagan mo ako kapag nagising na siya" utos ko kay kenzo pero nginisian nya lang ako.

"You keep saying that you like Zach pero ganyan ka mag alala para kay Luhan. Tell me sino ba talaga?" nakangisi paring tanong niya na ikina tigil ko.

"You know that it's always him, Kenzo. Just him and no one else." malamig kong ani at nag lakad na palabas ng kwarto kung nasaan si khael.

Nang maka labas naman ako ay napa singhap ako sa gulat nang bumungad saakin si Zach na walang emosyon ang mukha. Agad naman akong napa ngiti nang makita ko siya pero siya ay naka tingin lang saakin ng seryoso.

"Are two timing me?" malamig na tanong niya na ikina kunot ng noo ko. I guess it's about the kiss. Tanga ko naman kase eh. Bakit naman kase yon ang ginawa kong paraan? And now hindi ko masasabi kay zach kung bakit ko ginawa yon dahil parang sinabi ko na rin sakanya kung sino ba talaga ako.

But wait.. Do i really need to explain my side to someone whose cheating on me?

"I don't need to explain anything, Zach. Think what you want to think and I'll do what i want. At kung iniisip mo na may gusto ako kay khael then you're wrong" walang emosyong kong ani at nilampasan na siya pero hindi pa ako nakaka ilang hakbang nang hawakan nya ako sa kamay at hinila paharap sa kanya.

"Gusto mo ba talaga ako?" tanong niya.

"Oo" mabilis at walang pag dadalawang isip na sagot ko.

Hindi ko naman na talaga kailangang mag isip dahil alam ko naman sa sarili ko na gusto ko siya at kung itatanggi ko lang 'yon ay sarili ko ay parang niluko ko lang mismo ang sarili kong utak at puso.

Hindi ko alam ang mga nangyari basta nakita ko nalang ang sarili kong yakap yakap ni Zach.

"I won't let anyone steal you away from me." bulong niya saakin at kumalas na sa pag kakayakap. Nakangiti siyang tumingin saakin at hinawakan ang kamay ko saka ipinag siklop 'yon.

Sabay naman kaming nag lakad ng hospital palabas at medyo nagulat pa ako nang makita kong madilim na ang paligid.

"Where are we going?" tanong ko sakanya.

"Kakain tayo. Kanina mo pa inaasikaso ang mga kasama natin kaya alam kong hindi ka pa kumain." nakangiti pang sabi niya at pinag buksan ako ng pinto ng kotse niya.

"Simula ngayong gabi gusto kong makilala mo pa ako. I like you and soon magiging mag asawa rin tayo" nakangiting sabi niya habang nag mamaneho na ikina ngiti ko rin.

Maganda ngang isipin na ikakasal kami pero sigurado akong pipigilan 'yon ni dad. But i don't care. Wala na akong pakialam sa gustong gawin ni dad dahil gagawin ko ang lahat para pigilan sya.

Pero ngayon gusto ko munang maging masama at pag bigyan ang puso kong sinisigaw ay pangalan nya. Cheesy!


"WE'RE HERE, baby. Wake up"

Hindi ko alam kung ilang oras ba kaming nasa byahe basta nagising nalang ako nang marinig ko ang malambing na boses ni Zach na ginigising ako.

Bumungad naman saakin ang gwapong mukha ni Zach na naka ngiti habang naka tingin saakin. Mabilis kong tinanggal ang seatbelt at bumababa na ng kotse.

Mangha naman akong napa tingin sa buong paligid namin dahil napaka raming ilaw sa paligid. Mayroon ding pathway na gawa sa petals ng mga bulaklak.

"Let's go?" nakangiting ani ni Zach at inilahad ang kamay niya. Awtomatiko naman akong napa ngiti at hinawakan ang kamay niya saka sabay kaming nag lakad sa pathway.

Habang nag lalakad kami ay naririnig ko ang tugtog na nag mumula sa piano. Nang maka rating naman kami sa dulo ng pathway ay bumungad saamin ang isang table na napaka raming pag kain.

Bigla tuloy akong naka ramdam ng gutom dahil don. Nakagat ko nalang ang labi ko sa kilig ng hinila niya ang bangko para makaupo ako at pag katapos ay sya naman ang umupo sa bangko na kaharap ko lang.

"Kumain ka na. I know you're hungry kaya naman ipinahanda ko ang lahat ng pag kain na yan" nakangiti pang sabi niya kaya agad bumaba ang tingin ko sa napaka raming pag kain na nasa mesa.

Steaks and Pasta with red wine. Mukha namang masarap pero hindi ko alam kung bakit parang wala ako sa mood kumain ngayon pero nakaka guilty naman kung hindi ako kakain lalo ngayong naka tingin lang saakin si Zach habang naka ngiti.

"Thank you for the food" nakangiting pag papasalamat ko sakanya at nag simula nang kumain. Tiningnan ko naman siya at katulad ko ay kumakain na siya. Masaya siyang kumakain.

"I remember that you're not wearing the ring, bracelet and necklace that i gave" agad akong napatingin kay zach nang sabihin niya yon. Seryoso lang siyang naka tingin saakin.

"Ahm.. Allergic talaga ako sa mga mamahaling necklace at bracelet dahil namumula ang kamay ko at leeg and also I'm not comfortable wearing a million worth of jewelries." pag papaliwanag ko sakanya. Akala ko ay magagalit siya pero mali ako dahil naka ngiti lang siya habang naka titig saakin.

"It's okay, baby. But can you wear the ring? Please" sabi nya habang naka pag papacute.

"Okay" nakangiting sagot ko at nag patuloy na sa pag kain.

He's cute and handsome at the same time.

Dang! I am really in love with him.

Naranasan ko na kung paano maging masaya at maging totoo sa sarili kaya naman hindi na ako papayag na tanggalin saakin ni dad o ng Black Snake Organization ang kasiyahang nararamdaman ko ngayon.



A/N: 'yan lang kinaya ng utak ko ngayong araw😭

SHE IS THE QUEEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon