CHAPTER 21

135 2 0
                                    

CHAPTER 21


Nandito kami ngayon sa Hideout daw nila ng gang nya dahil may mga ipapakita daw sya sakin. Well I expect na maganda at puno ng computers or weapons ang hideout nila but It's not.

Pero ang nakaka tuwa ay nasa loob lang ito ng university. Nakakapag taka lang na nakapag tayo sila ng isang hideout dito na hindi ko alam ko.

Napaka linis ng paligid, marami kang makikitang mamahaling paintings and flower vase kahit san ka tumingin.

Kulay blue din ang kulay ng pader na mas lalong nag paganda sa paligid.

Malaki at malawak din ang loob.

Sa kanang bahagi ay nandon ang sofa at ang isang malaking whiteboard na may mga naka dikit na picture at mga information at nanlaki ang mga mata ko nang makitang tungkol lahat sa Black Snake Organization.

So matagal na pala nyang alam at mukhang mas madami pa syang nahanap kaysa samin ni shadow.


Lumapit ako sa whiteboard at binasa ang mga naka sulat don. May mga naka lagay din na date don.

I think kailangan ko talagang makipag tulungan sa lalaking 'to. Marami na syang alam at siguradong mahahanap namin agad ang leader ng Black Snake Organization na yan.

"Katulong mo ba ang Dark Horizon dito?" tanong ko sakanya at umupo sa sofa na kaharap lang ng whiteboard na puno ng mga pictures and information.

"Yes, they are helping me" sagot nya na ikina tango tango ko.

Mabuti pa sila nasa tamang landas ng pag iimbestiga. Ako kase ay wala. Kung hindi pa ako tinulungan ni shadow ay wala pa akong malalaman.

Maling Organization pa ang napag bintangan ko. Pero hindi ko naman kasalanan na pareho ng pangalan ang organization ni shadow at ng mga tunay na kalaban. I think it's zach's fault. Hindi nya manlang nilinaw saakin na Black Snake Organization pala 'yon.

"Hey Mckenzie Charm are listening?" napabalik ako sa wisyo nang marinig ko ang boses ni zach na mukhang galit na.

"What?" takang tanong ko sakanya. Sinamaan naman nya ako ng tingin at humakbang palapit sakin.

"Ako ang nandito sa harapan mo so stop thinking about another man." madiing sabi nya at pag katapos ay tinalikuran na ako.

Napa ngiwi nalang ako dahil sa sinabi nya.

Ha? Ano daw?

"I will start again because It looks like you are not listening to me" may himig na galit padin ang boses nya pero hindi ko nalang pinansin.

"Black Snake Organization isa silang samahan na gumagawa ng mga illegal na bagay tulad ng Rape, Human Trafficking, Drugs and Murders. At pamilya mo ang target nil-"

"I already know that" pag puputol ko sa iba pang sasabihin nya.

Umupo ako sa malambot na sofa at mariing tinitigan si zach na nasa harapan ko.

Walang emosyon ang kanyang mga mata habang naka tingin saakin pero sanay na ako kaya hindi ko na pinansin.

"Ang gusto kong malaman ay kung saan, kailan at paano ko sila mahahanap" malamig kong ani. Narinig ko naman ang pag buntong hininga nya.

"We are still working on that.. Nong isang linggo lang naman namin nalaman na maling organization pala ang sinusundan namin. Nalaman ko nalang kay Ivough na ibang organization pala ang pumatay kay cyruz at ang organization na 'yon ay matagal ng nag papanggap na Black Organization ang Ikatlo sa pinaka malakas na organization para mailigaw sa pag iimbestiga ang sino man na sumusubok hanapin sila." mahabang paliwanag nya na ikina tawa ko ng mahina.

SHE IS THE QUEEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon