CHAPTER 88

62 1 0
                                    

A/N: Hi Owen Oliveros, Happy Birthday🌷
Ang nag iisang wenowen namin at ang kaibigan ko na walang ibang ginawa kundi ang bwesitin ako, Happy birthday sayo par.



CHAPTER 88

MCKENZO'S POV

"Pumasok na tayo" malamig kong sabi at pumasok na sa abandonadong building na nasa location na natrack namin.

Malakas ang pakiramdam ko na nandito sila mom pero nalibot na namin ang buong building at hindi parin namin sila nahahanap talaga.

"Wala sila dito" malutonh akong napa mura nang marinig ko ang sinabi ni flyn. Wala dito sa second location sila mom. Kung ganon nasaan sila?

Tangina naman!

"Search the area" malakas kong utos at nag si sunuran naman ang dark horizons at ang mga tauhang pinadala ni charm.

Kanina pa nag iinit ang ulo ko at gusto ko nang patayin ang taong kumuha kila mom pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil hindi ako pwedeng mag padalos dalos.

Huwag lang talagang masasaktan si mom at ang iba pa dahil talagang hindi ako mag dadalawang isip patayin ang mag amang 'yon kahit pa kadugo ko sila.

Mula sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang pulit ulit na pag suntok ni kuya francis sa pader at si xyron naman ay pinipigilan siya.

Nag aalala rin ako kay kuya francis dahil buntis si mavie at baka mapa hamak ang bata. Sigurado akong kaunti nalang ay sasabog na siya sa galit at kapag nangyari 'yon gyera ang kakalabasan.

Si kuya francis ang pinaka kalmado palagi saamin pero iba siya magalit kaya nga nagulat ako nang hindi manlang siya nagalit nang malaman niya ang totoo tungkol sa katauhan niya. Pero ngayon alam kong hindi na niya pipigilan ang sarili.

"Negative, kenzo" napa buntong hininga nalang ako sa sinabi ni patrick. Nilapitan ko na sila kuya francis at sinabihan silang lalabas na kami sa building dahil baka kung ano pang mangyari.

Hindi naman umangal si kuya francis nang hilahin siya ni kuya xyron palabas ng building. Nang maka labas kami ay nakita ko ang mga dismayadong mukhang ng mga kasama ko.

"Mahahanap din natin sila. Baka nasa first location lang sila" pag papa gaan ko sa loob nila kahit na ako mismo ay hindi mapa kali dahil hindi ko nahanap sila mom.

Pero sigurado naman akong gumagawa na ngayon ng paraan si dad para mahanap sila mom. I'm still mad at him for what he did but i can't hate him.

"Tara n–" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang makita ko si mavie na paika ikang nag lalakad palapit samin habang umiiyak.

Mukhang nakita rin siya ng iba kong kasama dahil mabilis nilang itinuro kay kuya francis si mavie. Ako naman ay naka tulala lang habang pinapanood si kuya francis na mabilis na tumakbo palapit kay mavie.

Mahigpit niya itong niyakap at hinalikan sa noo. "Baby, Are you okay?" rinig kong tanong niya kay mavie. Nag lakad namin kami palapit sakanila para mag tanong.

"Nasaan ang iba?" tanong ko sakanya tumingin naman siya sakin at umiling iling habang umiiyak.

"Mag kakasama kami kanina pero may kumuha sakanila at naiwan ako. Ang sabi nong lalaking kumuha papakawalan daw niya ako dahil apo niya ang nasa sinapupunan ko" sagot niya at tumingin kay kuya francis.

Napamura nalang ako sa aking isipan at inis na bumuntong hininga. Agad naman akong nataranta nang biglang mawalan ng malay si mavie. Mabilis siyang kinarga ni kuya francis at sinakay sa van.

Ako naman ay pumasok din agad don at pinaandar ang makina. Habang nag mamaneho ay panay lang ang tingin ko kay mavie na walang malay habang si kuya francis naman siya ay panay ang halik sa noo nito at hawak ang kamay ni mavie.

Damn!

Mabilis lang ang pag papaandar ko sa van at nakita ko sa side mirror na naka sunod din saamin ang van ng dark hirizons. Sa katabi ko naman ay si kuya xyron na pinapaypayan si mavie.


ANGELO'S POV

Kanina pa namin hinihintay dito sila charm pero wala parin sila kaya nag pasya nalang kaming pumasok na sa loob ng isang lumang bahay kung saan namin na track si gregory.

Habang papasok sa loob ng bahay ay sobra sobra ang kabang nararamdaman ko. Tila ba may hindi magandang mangyayari ngayong araw.

"Ikutin nyo ang paligid" utos ni clyden sa Black Knights at mga tauhan ni charm na kasama namin ngayon. Mabilis naman silang sumunod sa utos ni clyden.

"Sa loob tayo" ani ko kay clyden at luhan na kasama ko ngayon. Tumango lang ang dalawa at sabay sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay. Ini handa ko rin ang baril ko para sigurado.

Isa isa naming pinasok ang mga kwarto ng bahay pero walang kahit sino sa loob ng bahay na ikina init ng ulo ko.

Nasaan sila kung ganon? Bwiset naman.

Hindi na ako mapakali sa pag aalala sa seirra ko at sa iba dahil baka kung anong mangyari sakanila lalo na at mga walang puso ang kumuha sakanila.

Makita ko lang talaga na may sugat ang seirra ko at ako mismo ang mag babaon ng bala sa katawan ng hayop na 'yon.

"Wala sila dito. Baka nasa location 2 sila"

Rinig kong sabi ni clyden pero hindi ko siya pinansin at tiningnan lang ang cabinet. Kanina ko pa napapansin na may kakaiba sa cabinet na 'to.

Lumapit naman ako don at ginalaw ang isang libto at tama nga ako dahil biglang lumitaw sa harapan ko ng isang pinto.

Sabay namang lumapit saakin si clyden at luhan. Akmang papasok na ako sa loob non pero hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko dahil sa kakaibang pakiramdam.

Hindi ko alam pero sobrang bigat ng pakiramdam ko at napaka bilis din ng tibok ng puso ko. "Tara na sa loob" aya sakin ni clyden at pumasok na sila sa loob.

Ako naman ay sumunod lang sakanila pero nang makita ko ang loob ng kwartong iyon ay nanghina ang katawan ko at napaluhod nalang ako sa sahig.

Naka higa sa sahig ang walang malay na babae at kahit natatakpan ng buhok niya ang kanyang mukha ay alam kong siya iyon.

Kahit na nanghihina ay pinilit kong gumapang at nilapitan siya. Mabilis ko siyang niyakap at pilit na ginigising pero wala akong nakuhang sagot mula sakanya.

"Tatawag na ako ng ambulansya" rinig kong sabi ni luhan at nag mamadaling lumabas sa kung nasaan kami.

Mahina ko namang tinapik tapik ang pisngi ni seirra pero wala paring response mula sakanya. Nanlamig naman bigla ang buong katawan ko nang maramdaman ko ang malapot na likod sa kamay ko na nag mumula sa ulo niya.

At hindi ako tanga para hindi malaman kung ano 'yon. "Seirra, baby" nanginginig kong sabi. Sinubukan ko siyang buhatin pero hindi ko nagawa dahil sa pang hihina ng buong katawan ko.

Nagulat naman ako at napa tingin kay kuya clyden ng bigla niyang kunin sa bisig ko si Seirra at kinarga ito. "Nandiyan na ang ambulansiya. Kailangan natin siyang maagapan" mabilis niyang sabi at tumango naman ako.

Mabilis siyang mag lakad palabas ng kwarto habang karga karga si seirra at Lumapit naman saakin si luhan na kakabalik lang at inalalayan ako sa pag lalakad.

Nang maka labas kami ay naabutan naming inisasakay na sa ambulansiya si Seirra. Dahil nanghihina parin ang katawan ko ay inalalayan ako ni luhan sa pag akyat don.

"Susunod kami" wika ni clyden at tumango lang ako.

Itinuon ko nalang ang buong atensyon ko kay Seirra na walang malay. May bandage na ngayon ang ulo niya na may sugat at may kung ano ano narin ang naka kabit sa kamay niya.

Tangina! Kasalanan ko 'to. Dapat binatayan ko siya. Hindi ko siya naprotektahan. Ang tanga ko. Kasalanan ko ang lahat ng ito.

Hinawakan ko nalang ang kamay niya na at mahinang pinisil iyon. "Wake up for me, baby. Please don't leave me" mahinang ani ko at hinalikan siya  kamay.

SHE IS THE QUEEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon