CHAPTER 60
"Sundin nyo lang ang plano at magiging maayos ang kakalabasan nito." nakangiting sabi ko sa kanila matapos kong ipaliwanag muli ang plano namin.Nag sitanguan naman sila at isa isang tumayo para ihanda ang mga gamit nila. Lahat kami dito ay naka suot ng kulay itm na damit at pants saka mask para hindi kami makilala.
Kinuha ko naman ang box na dala ko at ipina migay sa kanila isa isa ang laman non na red bracelet.
Ipinagawa ko pa mismo yon sa HQ namin ni Shadow. "It's for your safety. Kapag kailangan nyo ng tulong ay pipindutin ko lang ang maliit na button jan ay may pupunta para tulungan kayo." paliwanag ko.
Nag tanguan naman silang lahat at isinuot ang bracelet. Maliban saamin ni Shadow na hindi kailangan ng ganon.
Yes, Shadow. Ang gagong kasama ko ngayon at nag pakilalang pang apat na miyembro ng White Blood ay si Shadow.
Wala naman akong ibang magawa kundi sakyan ang kalokohan nya dahil baka makilala sya ng mga kasama namin.
Hanggang ngayon ay wala pa dito ang kambal at nag sisimula na akong mainis sa kanilang dalawa.
Wag lang silang mag papakita sakin ngayong araw dahil baka mapatay ko sila.
"Patrick, Gray, Erwin, Clark, Ivough, Mike, Daniel, Kervie, Gerald at ikaw Cloud kayo muna ang mauunang pumunta sa lugar na 'yon.
Mag papanggap kayong miyembro ng Black Snake Organization at kapag nasigurado nyo nang nandon ang pinakang leader nila tawagan nyo kami." Nag sitanguan naman ang sampu at saka lumabas na ng classroom.
Sigurado naman akong hindi na sila papansinin ng ibang studyanteng nandito dahil alam naman nila kung sino talaga sila Cloud.
Napangisi naman ako ng makita ang mga kamay nong sampu na may tatto na simbolo ng BSO. Hindi naman 'yon tunay at matatanggal din kapag binuhusan ng tubig na malamig na malamig.
Tumingin naman ako sa mga natira dito at uutusan na sana sila ng biglang bumukas ang pinto ng classroom namin na ikina alerto naming lahat.
Pero nang makita ko kung sino 'yon ay agad kong ipinababa sa mga kasama ko ang baril nila.
Kunot noo akong nag lakad palapit sa lalaking pumasok. "What are you doing here? You're supposed to be Rome, Italy doing your mission" mahinang bulong ko sakanya para hindu marinig ng mga kasama ko.
Nagulat naman ng bigla nya akong hinawakan sa kamay at nag salita. "I already found my sister.
But the Black Snake Organization kidnaped her. I don't know what to do anymore, charm" malamig ang boses niya pero kitang kita ko sa mukha at mata nya na nag mamakaawa na siya sakin.
"Gawin mo na ang misyon mo at ako na ang bahala sa kapatid mo. I'll save her and I will give her back to you." seryosong sabi ko. Dahan dahan naman siyang tumango.
Ngumiti siya. "I trust your words, charm. Aalis na ako" matapos nyang sabihin 'yon ay nag lakad na sya paalis.
Isang buntong hininga naman ang pinakawalan ko at hinarap ang mga kasama kong mukhang nag tataka sa nangyari.
"You. Go and check on him. Make sure that he will not do anything to ruin our plan." Utos ko kay shadow. Agad naman syang tumango at walang imik imik na nag lakad palabas ng classroom.
Mukhang kailangan kong mag padala ng mga tao para mailigtas ang kapatid nya pero magugulo ang buong plano namin kung gagawin ko 'yon. "Sumunod kayo kila cloud. May babae kayong kikidnapin." utos ko sa mga kasama ko na ikina gulat nila.
"May kinidnap na babae ang BSO at ang gagawin nyo lang ay harangin sila at kayo ang papalit sa kanila. Kayo ang mag dadala sa babaeng 'yon sa hideout ng BSO at kapag nadala nyo na sya ako na ang bahala sa lahat. Then continue tayo sa plano natin"
Mahabang paliwanag ko. "Pano namin malalaman kung sya 'yon?" tanong naman ni Flyn. "Ako na ang bahala don basta ngayon ay sundan nyo na muna sila clo–"
Hindi ko nanaman nagawang tapusin ang sasabihin ko dahil naramdaman ko ang presensya ng isang tao sa may pintuan.
"Mckenzie Charm" rinig kong pag tawag saakin ng taong 'yon kaya agad ko siyang nilingon. Nganunot naman ang noo ko at nilapitan ang lalaking nasa may pintuan.
"Marvin Acosta?" takang tanong ko ng makilala ko ang taong nasa harapan. Ano naman kaya ang kailangan saakin ng lalaking pumapangalawa saamin ni Shadow sa Underground?
"Do you need anything?" tanong ko.
"I need your help" sagot nya na ikina buntong hininga ko. Humarap naman ako kila flyn at nag salita. "Sumunod kayo kila cloud" utos ko na agad naman nilang sinunod.
"Let's go" ani ko at hinawakan ang dulo ng damit nya saka hinila sya papunta sa hideout ng Dark Horizons. Nakita ko kase si Zach at Khael sa malayo at hindi nila pwedeng makita ang taong kasama ko dahil siguradong makikilala ito.
Nang maka rating kami sa hideout ay agad ko syang hinarap. "What kind of help do you need mr. acosta?" tanong ko sakanya.
"The black snake organization kidnaped my wife and attacked my HQ" sagot niya na ikina buntong hiningi ko. Hindi ako pwedeng makialam dito dahil mukhang may gulo sa pagitan ng BSO at organisasyon ni Acosta. Baka madamay at magulo pa ang plano namin kung tutulungan ko siya "I'm sorry, Mr. acosta but I can't hel–"
Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay bigla nalang siyang lumuhod sa harapan ko na ikina gulat ko.
"Please, Help me. I can't live without my help and you're the only person who can help me to save her." pag mamakaawa nyang sabi at para bang ilang salita pa ay tutulo na ang luha niya.
Napapikit nalang ako. "Okay fine. Just don't kneel infront of me." ani ko na ikina tigil nya.
Mukhang kailangan ko talaga siyang tulungan dahil hindi naman siya luluhod sa harap ko kung hindi sya desperado. Well I can't blame him. That's the power of love. Ibinaba nya ang pride nya para lang humingi sakin ng tulong so who am i to say no?
"You will help me, right?" tanong niya na para bang naninigurado.
Tumango naman ako at kinuha ang cellphone ko para tawagan si cloud.
"May kinidnap ang Black Snake Organization. Her name is Zyra Faye Castillo. Wife of Marvin Acosta. Tell Ivough to track her." bungad ko kay Cloud ng sagutin nya tawag ko matapos ang ilang ring.
"Ang sabi ni ivough iisa lang daw ang babaeng kapatid nong tyron at yong Zyra" sabi ni cloud sa kabilang linya na ikina tigil ko. I already know that.
"Ituloy nyo lang ang plano. Isasabay nyo lang sya pag punta sa pupuntahan nyo. Dalhin nyo sya sa gustong kumuha sakanya at ako na ang bahalang bumawi sakanya. Hindi pwedeng masira ang plano natin."mahabang sabi ko.
"Copy" Sagot niya sa kabilang linya kaya iniend ko na ang tawag at humarap kay Acosta na ngayon ay naka tingin lang saakin.
"Let's go and save your wife" sabi ko at nag lakad na palabas ng hideout. Alam ko namang naka sunod sya sakin.
BINABASA MO ANG
SHE IS THE QUEEN (COMPLETED)
Teen FictionDESCRIPTION Mckenzie Charm Hestia France Strazza Villamerious SHE IS THE QUEEN