CHAPTER 68

62 1 0
                                    

CHAPTER 68

Mckenzo's POV

"I just want to protect her, kuya" malakas kong sigaw kay kuya clyden na ngayon ay kaharap ko. Pumunta pa siya dito sa bahay ko para sabihing humingi ako ng tawad sa kakambal ko dahil sinubukan kong ipa patay ang mga kaibigan niya.

But I will never do that. Hindi ko pinag sisisihan ang ginawa ko dahil alam ko na 'yon ang makaka buti. At least ngayon ay alam ko nang mapag kakatiwalaan ang mga kaibigan niya.

"Ano? Mas pipiliin mong malaman niya mula sa iba ang totoo? Imagine her pain, Kenzo. Sa ating lahat na kapatid niya ikaw ang may pinakang kilala sa kanya at alam mo kung gaano siya masasaktan kapag nalaman niyang ang kakambal niya pa mismo ang may gustong pumatay sa mga kaibigan niya" mahabang litanya nya na ikina tahimik ko.

Napapikit nalang ako dahil unti unti nang pumapasok sa isip ko ang maling ginawa ko.

I just want to protect her. Her friends found out who really she is and as her twin brother it's my duty to protect her.

"Okay, fine. I will tell her" pag suko ko at lalabas na sana sa opisina ko para puntahan si Twin pero agad na tumunog ang cellphone ko, simbolo na may tumatawag.

'Luhan Grant is calling'

Bakit naman kaya tumatawag ang manok ko na 'to?

"Bakit?" Tanong ko nang sagutin ko ang tawag niya. Nangunot naman ang noo ko dahil sa ingay na naririnig ko mula sa kabilang linya.

"Si frances. Someone shot her and she's in critical state. Ino-operahan siya ngayon. 4 gunshot woun–"

Hindi ko na siya pinatapos sa pag sasalita dahil agad kong pinatay ang cellphone ko at nag mamadaling lumabas ng opisina. Nakita ko naman sa gilid ng mata ko ang pag tayo din ni kuya clyden habang may kausap sa cellphone niya.

"Si charm.." sabay naming ani at tumakbo palabas ng building. Agad akong sumakay sa kotse ko at mabilis 'yong pinaandar papunta sa Villamerious Hospital dahil 'yon ang pinaka malapit na hospital sa school.

Nang maka rating kami ni kuya sa clyden ay bumungad saamin ang hallway ng hospital papuntang OR na punong puno dahil sa dami ng taong naka upo don.

The Black Knights and Dark Horizons are here. Pati ang White Blood ay nandito.

Ang dalawang kaibigan niyang babae ay nandito din. Lahat sila ay naka yuko lang. Ang mga pinsan at kapatid namin ay nandito din.

Napunta naman ang atensyon ko kay mom na panay ang iyak lang habang pinapatahan ni dad.

Inis naman akong lumapit kay Zach na ngayon ay naka tulala lang habang naka tingin sa kawalan. Naiyukom ko nalang ang kamao ko.

Akala ko ba poprotektahan niya ang kakambal ko? Pero bakit nangyari 'to?

Agad namang hinanap ng mga mata ko si Luhan pero wala siya dito.

Nasaan naman kaya ang lalaking 'yon? Napansin ko din na wala si Ivough, Cloud, Danny and Haliya but I know why.

Sigurado akong hinahanap na nila ang gumawa nito sa kakambal ko at 'yon din ang gagawin ko.

Hindi ako pwedeng mag mukmok lang dito at hintaying matapos ang operasyon nya.

Ang gusto ko ay bago pa sya magising maiiharap ko sakanya ang gumawa nito para sya mismo ang papatay sa taong 'yon.

Tiningnan ko naman ang lahat ng taong nandito ngayon sa labas ng Operating room.

Sigurado lahat sila ay nag aalala para sa kakambal ko at tulad nila ay nag aalala din ako pero alam kong kayang kaya itong lampasan ni Charm.

She's not the queen if she's not strong.

Huminga lang ako ng malalim at tinawagan si Shadow.

I have his number because of my Twin. Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam ang tunay nyang katauhan but one thing for sure. He is someone we know.

"Update? My sister is still in the OR" ani ko nang sagutin nya ang tawag.

"Hinahanap na siya ng mga tauhan namin. Hindi ako titigil hanggang hindi ko siya nahahanap dahil ako mismo ang papatay sakanya. He dared to hurt my queen." ang malamig na bosed niya na ikina iling iling ko.

"Okay. Just make you sure to find him" malamig ring ani ko at pinatay na ang tawag. Sakto namang pag kababa ko ng cellphone ko ay may ilang doctor na lumabas at parang hagas na hagas.

Mabilis akong lumapit sakanila at ganon din sila mom. "What's wrong?" si dad ang naunang nag tanong.

"Maraming dugo na ang nawala sakanya but her blood is so rare. Kailangan pa namin ng mag dodonate ng dugo para sakanya dahil baka hindi kayanin ng isang donor naming nakuha kung sakanya lang kami kukuha ng dugo" ani ng doctor at agad namang nag volunteer si mom pero umiling lang ang doctor kaya agad akong nag salita.

"I'm her twin brother" ani ko at agad namang nag liwanag ang mukha ng mga doctor at inanyayahan ako papasok sa loob ng isa pang kwarto.

Nangunot naman ang noo ko ng maka pasok ako sa kwartong 'yon dahil nandon din ang isang pamilya na tao na kinukuhaan ng dugo.

Naka pikit lang ang mga mata nya at parang kalmado lang. Bigla ko tuloy naalala sakanya ang kakambal ko na tulad niya ay palagi lang ding kalmado.

"Nauna na siya mag donate ng dugo kanina kahit hindi pa kami nag hahanap ng mag dodonate ng dugo. Nag volunteer siyang mag pakuha na agad ng dugo para daw kung sakaling kailanganin ng pasyente at sinabi rin niyang wag sasabihin kahit kanino pero dahil nandito ka na, sinabi ko na rin." mahabang paliwanag ng doctor habang kinakabitan ako ng kung ano ano.

"Does we have the same blood type?" tanong ko at tumango naman sya kaya muli akong napa tingin sa lalaking 'yon.

"Staring is rude" napaka lamig ng boses niya at nag dulot saakin 'yon ng kakaibang pakiramdam. He talks like Charm.

"What do you need from my sister?" tinapatan ko ang pagiging malamig ng boses niya.

Tumawa naman siya. "I don't need anything from her. I just want to help"

"Mag sisimula na kami" napunta namab sa doctor ang atensyon ko dahil sa sinabi niya.

Hindi na ulit ako nag salita at pinanood nalang ang pag daloy ng dugo ko sa IV papunta sa plastic bags.

Sa ganitong paraan ko lang matutulungan ang kakambal ko.

Sana maging maayos ang lagay nya. I believe that she will survive because she's strong.

At sa oras na magising at maging maayos na ang pakiramdam niya ay sasabihin ko na sakanya ang nagawa ko.

SHE IS THE QUEEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon