CHAPTER 18
"Ms. Haliya Grant maaari ka nang pumunta dito sa stage" ang sabi ng emc.
"Haliya alam mo naman kung gaano kalakas ang kapatid mo hindi mo sya kaya" nag aalalang wika ni Florence.
"Marunong naman ako makipag laban, florence" nakangiting sabi pa ni haliya na mukhang handang handa ng makipag laban.
Hindi ko naman kase magets ang kapatid na yon ni haliya. Bakit parang gusto nyang masaktan ang kapatid nya? Well let's say na ampon si haliya pero tama bang saktan nya ito?
Mabuti nalamang at hind katulad ni Nicholas ang mga kuya ko.
"May sakit ka sa puso Haliya hindi mo kakayanin ang laban" ang malakas na sabi ni Vivine na ikina tigil sa pag lalakas ni haliya.
Pati ako ay natigilan. May sakit sa puso si haliya? Sobra ba talagang kinamumuhian ni Nicholas ang kapatid nya para umabot sa ganto?
Hindi ko pa masyadong kilala ang tatlo lalo laong na si haliya pero hindi naman ako papayag na mapahamak si haliya nang dahil lang sa selfish nyang kapatid.
"Ako ang lalaban for Haliya Grant" malakas na sabi ko. Mukhang narinig naman 'yon ng emc at ni nicholas dahil napunta sakin ang atensyon nila.
Lihim akong napangisi nang makita ang klase ng pag tingin ni Nicholas. Hindi saakin kundi sa kapatid nya.
"I can fight, haliya, pero hindi ko maiipangako na hindi masasaktan ang kapatid mo. Hindi ako marunong mag patalo" malamig na sabi ko kay haliya.
Tumango tango naman sya kaya nag lakad na ako palayo sakanila.
"Charm" rinig kong pag tawag sakin ni haliya sa mahinang boses. Kinindatan ko lang sya at pag katapos ay nag lakad na ulit papunta sa stage.
Nang nasa ibaba na ako ng stage ay nakita ko si Khael at Zach na nakaupo sa tabi ng stage kasama ang iba pang nasa Rank 10. Si khael ay naka ngiti lang sakin na para bang sinasabi na galingan ko habang si Zach ay nakangisi lang na nakatingin sakin. Mabuti naman at hindi sila nag aaway ngayon.
May mga sugat ang pasa ang pareho nilang mukha nang dahil sa kalokohan nila.
Inirapan ko lang silang dalawa at aakyat na sana sa stage pero may humawak sa kamay ko. Sinamaan ko naman ng tingin ang taong yon pero tinawanan nya lang ako.
"Be careful and Goodluck" bulong nya sakin at ginulo ang buhok ko.
"I don't need luck, Michael" walang emosyong sabi ko sa pinsan ko. Tumawa naman sya at nag lakad na pabalik sa pwesto nya kanina.
Napangisi naman ako nang makita si Nicholas Grant na nasa stage na at mukhang hinihintay ako kaya umakyat na ako sa stage.
"I guess you don't know what you are doing miss" nakangising saad ni Nicholas.
Tiningnan ko lang sya ng walang emosyon at nginisian. "Hindi ba't ikaw ang walang alam sa ginagawa mo ngayon? Seriously? Hinahamon mong labanan ka dito ng kapatid mong may sakit puso."
"What did you say?" Kunot noong tanong nya pero hindi ko sya sinagot.
Nag unat unat lang ako at saka sumugod na sakanya na agad naman nyang nailagan pero imbes na mainis ay natuwa pa ako.
Nag simula nang mahiyawan at mag cheer ang mga tao na mas lalong nag bigay ng gana saakin sa pakikipag laban.
Isang suntok naman ang pinakawalan ni Nicholas pero iniwasan ko lang yon habang nginingitaan sya nangaasar.
BINABASA MO ANG
SHE IS THE QUEEN (COMPLETED)
Novela JuvenilDESCRIPTION Mckenzie Charm Hestia France Strazza Villamerious SHE IS THE QUEEN