CHAPTER 24

99 1 0
                                    

CHAPTER 24


Maagap akong gumising at nag ayos dahil 4am ay kailangan nasa school na kami because of that damn activity.

Dito ako nag e-stay sa mansyon naming mag kakapatid dahil ito ang mas malapit sa school.

Naka suot lang ako ng simpleng black tshirt at black pants saka rubber shoes.

Well mukhang normal lang ang suot ko pero sino ba namang mag aakala na lahat ng suot ko ngayon ay umaabot na agad sa milyon.

Hindi naman kase ako makahanap ng mumurahin na damit dahil bihira lang ako lumabas.

It's already 3:45am kaya naman binilisan ko na ang kilos at lumabas na ng kwarto ko.

Hindi na ako nag almusal dahil malelate lang ako kase mag lalakad ako ngayon. Walking distance naman kase ang school mula dito sa bahay.

Ilang minuto lang na pag lalakad ay naka rating na ako sa school.

Naabutan ko sa may gate ang mga kaklase ko na mukhang hinihintay ako.

"What?" masungit na tanong ko sa kanila nang maka lapit ako sakanila. Umiling iling naman sila at nag lakad na papunta sa classroom namin.

Tumigil lang kami sa pag lalakad dahil may naka harang na tali sa dadaanan namin.

Bali ang tali ay naka harang sa daan at may maliit na hugis square sa gitna ng tali.

Mukhang alam ko na ang gagawin dito.

"Kailangan nyong maka tawid sa kabilang side na ang gagamitin lang na daan ay ang maliit na square sa gitna nang hindi lumalapat kahit anong part ng katawan sa tali. Yan ang magiging attendace nyo ngayong umaga" biglang sabi ng kung sino na sumulpot lang ata sa kung saan.

Tsk.

Activity agad!

Alas kwatro palang umaga!

Isang lalaki ang bumungad samin. Naka suot sya ng salamin at may naka tatak na facilitor sa likod at harap ng tshirt nya mukhang sya ang mag babantay samin.

Tumitig ako sa maliit na square na gawa sa tali. Alam ko sa sarili ko na kaya kong maka lusot don nang walang tulong ng kahit sino kaso mukhang ang goal ng activity na'to ay teamworks.

"Paunahin nyo muna si Charm" rinig kong sabi ni Flyn na sinang ayunan naman ng lahat.

Bakit ako agad?

Napatingin naman ako kay zach na tahimik lang sa gilid at si khael naman ay naka sandal lang sa pader habang naka tingin samin.

"Unahin nyo si Zach and Luhan para may sasalo kay charm kapag sya na ang bubuhatin natin" si danny naman ang nag salita.

Lahat ay muling sumangayon kay danny kaya naman pinapwesto na nila si Zach at binuhat para maipasok sa maliit na square.

Hindi naman nag tagal at nag tagumpay sila kaya ang sinunod naman nila ay si Khael at nang makatawid sa kabilang side si khael ay ako na ang sumunod na lumapit sa tatlong nag bubuhat.

Which is si Wendel, Flyn and Ivough.

"Be careful or I will kill you all" malamig na boses ni zach ang nag patigil kila wendel nang bubuhatin na sana nila ako.

"Don't mind him, baliw lang talaga" mahinang bulong ko sa tatlo na ikina tawa nila.

Huminga muna ako ng malalim at ipinaubaya na kila wendel ang bubuhat sakin para maka tawid.

Si wendel ay nasa kanan ko at si Flyn naman ay nasa kaliwa samantalang si Ivough naman ay naka alalay sa aking ulo habang naka alalay naman sa kabilang side ang mag kapatid.

SHE IS THE QUEEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon