A/N: Ngayon lang ako naka pag update. Nag brigada kase kami kanina kaya di ako nakapag sulat. Expect nyo na rin po na matatapos itong story ngayong week kase next monday ay pasukan na namin. Minadali ko lang talaga 'to. Thank you and have a good night.
CHAPTER 86
"Mckenzie wait" rinig kong pag tawag sakin ni kuya clyden pero hindi ko siya nilingon.
Nag patuloy lang ako sa pag lalakad palabas ng bahay. Hindi ko alam pero bakit hindi na ako nasasaktan? Bakit wala nang sakit? Bakit hindi na ako maka iyak?
Totoo pala na kapag nasanay ka na masaktan, you feel nothing but disappointments. parang "ah sinaktan nanaman nila ako. Okay, sige." 'cause you're not surprised and affected anymore.
Manhid na ba ako? Manhid na ba ako kung hindi ko manlang maramdaman ang sakit ngayon habang papalayo sa mga taong nanakit sakin?
Walang gana akong pumasok sa kotse ko at papaandarin na sana 'yon pero biglang pumasok sa loob si kuya clyden.
"Drive. Villamerious Village tayo, sa bahay ko" walang emosyong sabi niya. Hindi naman ako nag salita at pinaandar na ang makina ng sasakyan saka pinaandar 'yon papunta sa Villamerious Village.
Ang totoo niyan hindi ko rin naman talaga alam kung saan ako pupunta. Kung hindi pa sinabi ni kuya clyden kung saan kami pupunta.
Buong biyahe ay walang nag salita saamin at tanging ingay lang ng makina ang maririnig. Nang maka rating naman kami sa V.V ay agad kaming bumaba ng kotse.
Napatingin naman ako kay kuya clyden nang marinig ko ang pag buntong hininga niya pag katapos ay nilapitan ako.
"Are you okay? Or pretending to be okay?" tanong niya inakbayan ako. Hindi naman ako sumagot at nag lakad nalang papasok sa loob ng bahay niya.
"Marami ako ritong flowers vases na pwede mong basagin. May mga wines din ako at iba't ibang gamit so you can do everything you want." walang emosyon parin ang mukha niya at pilit na ngumiti saakin.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Galit ako. Pero wala ako sa mood para mag wala ngayon. Hindi ko nga magawang umiya–
Nagulat naman ako at napa tingin kay kuya clyden ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit. "I'm here. I will not leave you and I will never betray or hurt you. Kuya will always be here." Hindi ko alam pero naramdaman ko nalang na tumutulo na ang mga luha ko at sa isang iglap lang ay umiiyak na ako sa balikat niya.
Bumalik sa isip ko ang lahat ng nangyari at nag dulot yon ng napaka bigat na pakiramdam saakin. At ang bigat na 'yon ay hindi ko kaya.
"Kuya.." 'yon lang ang tanging nasabi ko dahil hindi ko na napigilan ang pag hagulhol ko ng iyak. Mas hinigpitan niya lang ang pag kakayakap sakin habang tinatapik tapik ang balikat ko.
Mas lalo naman akong napa iyak nang maramdaman kong nababasa na ang likod ko at naririnig ko na rin ang mahihinang hikbi ni kuya clyden habang binabanggit ang pangalan ni ate aya.
"Sorry kung hindi kita naprotektahan. Hindi ko na nga naprotektahan si Aya tapos ngayon ikaw naman. I'm sorry, baby"
Paulit ulit niya sabi pero umiling iling lang ako habang umiiyak parin sa balikat niya.
Hindi ko alam kung bakit ngayon ay umiiyak na ako samantalang kanina naman ay hindi ako maka iyak. Mukhang yakap talaga ang kahinaan ko.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na umiyak sa balikat niya dahil naramdaman ko nalang na inaantok na ako.
NAGISING ako na naka higa na sa malambot na kama. Nang mag mulat naman ako ay bumungad saakin ang mukha ng isang taong kilala ko.
"Kh–Zach?" gulat na tanong ko at mabilis na bumangon mula sa pag kakahiga.
BINABASA MO ANG
SHE IS THE QUEEN (COMPLETED)
Novela JuvenilDESCRIPTION Mckenzie Charm Hestia France Strazza Villamerious SHE IS THE QUEEN