CHAPTER 48
"Breaking news: Mckenzi Charm Hestia France Villamerious. The youngest business woman and the only daughter of Zenaya Charmine Villamerious and Hans Villamerious. Finally revealed her true face to the public. An hour ago Mr. Hans Villamerious arranged a pres conference to formally introduced his only daughter and it's engagement with Yuhan Zacarious Cyruz Gran–"
Inis kong pinatay ang tv dito sa hospital dahil sa balita. Kahit saan nalang ako mag punta ay ang nangyari parin kanina ang laman ng mga balita, news paper at social media.
Wala namang special sa nangyari kanina kaya hindi worh it alalahanin. Maliban nalang siguro sa walang tigil na panlalandi sakin ni Zach habang pinapakilala kaming dalawa.
Pero ngayon ay hindi ko na alam kung nasaan ang lalaking 'yon dahil matapos ang Pres Con ay umalis sya kaya umalis na din ako. And now i'm here in america. Dahil tinawagan ako ng isa sa mga tauhan ko at sinabing gising na si Mavie.
Binabantayan ko si Mavie Angeles dahil gising na sya at maayos na ang lagay. Hindi halatang nag agaw buhay pa sya. Siguradong pinainom na sakanya ni Francis ang gamot kaya malakas na ngayon ang batang 'to.
"Ate Hestia, pwede ko bang dalawin ang puntod ng ate ko sa pilipinas?" may bahid ng lungkot ang boses ni Mavie habang nag sasalita.
"Pwede naman pero wag mo rin alisin sa isip na posibleng makita mo ang kapatid ko sa pilipinas dahil nandon sya ngayon" sagot ko at mukhang nagulat naman sya dahil sa sinabi ko.
"Akala ko po nasa Italy sya?" tanong nya.
"Umuwi sya sa pilipinas para hanapin ang taong pwedeng tumulong para maging maayos ang kalagayan mo at nahanap nya yon. Kaya ngayon ay magaling kana na para bang hindi ka nag agaw buhay ng ilang beses. He cares for you and to your child." mahabang ani ko pero hindi sya nag salita at tumulala lang sa kawalan na para bang nag iisip.
Mukhang gusto talaga nyang puntahan ang puntod ng ate nyang si Carren. Hindi ko masyadong kilala si Carren Angeles.
Nakilala ko lang sya kase nalaman ko na hinahanap nya ako dahil sa La queen's golden water. Pero hindi ko naman pwedeng ibigay basta basta sakanya ang gamot kaya binigyan ko nalang sya ng impormasyon na alam kong makaka tulong sakanya. And of course Floricel helped me.
Carren Angeles is one the most strongest girl i meet dahil nagawa nyang tutukan ng baril si Francis. Kaya nagulat nalang ako ng malaman kong wala na sya at si owen na kaibigan ni steven. I still remember him. Siya yong lalaking humingi sakin ng pabor na bantayan ang nakaka tanda nyang kapatid na kasalukuyang naka confine sa V mental hospital.
"Gusto ko na talagang umuwi, ate" napabalik ako sa wisyo nang marinig kong nag salita si mavie. Gosh! Masyado akong nawili kaka daldal sa isip ko at kung kani kanino na akong napunta.
Tiningnan ko naman ng maiigi si mavie at nakikita ko naman sa mga mata nya na desidido na talaga syang bumalik sa pilipinas.
"If that's what you want then go but first can you do me a favor?" tanong ko sakanya.
Nakangiti naman syang tumango bilang pag sangayon. "Sa bahay ka ni Francis tumira habang nasa pilipinas ka. Hindi kita mapoprotektahan once na umuwi ka sa pilipinas dahil marami pa akong kailangang gawin at mapapanatag ang loob ko kung sakanya ka titira habang nandon ka." mahabang sabi ko sakanya.
"Okay." maiksing sagot nya na ikina gulat ko. Akala ko naman ay aayaw sya dahil galit sya kay Francis pero mukhang mali ako.
"Then pack your things at ipapasundo kita sa butler ko bukas." ani ko at tumayo na sa kinauupuan ko. Nginitian ko lang sya at nag paalam na.
Kailangan ko ring bumalik sa pilipinas ngayon dahil marami pa akong gagawin. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Vlad para mag pasundo.
Mukhang matatagalan pa si Vlad kaya naman nag lakad lakad muna ako at napadaan sa isang bar. Wala pa naman si Vlad kaya nag desisyon akong pumasok muna sa bar. Mukhang kailangan ko ring uminom ngayon dahil ang buhay kong magulo ay mas lalong gumulo nang pumanta ako sa pilipinas.
Nang maka pasok ako sa loob ng bar ay humanap agad ako ng bakanteng table at saka umorder sa waiter ng Pinot noir, A wine that is the most highly prized wine grape in the world.
I heard na sikat daw ang wine na 'yon dito sa America kaya yon ang gusto kong tikman ngayon.
Ilang minuto lang ay nadala na sakin ang order ko kaya agad kong nilagyan ang wine glass at ininom yon.
"Hi, Miss, alone?" napa angat naman ang tingin ko ng may lalaking nag salita sa harapan ko.
"May nakikita ka bang hindi ko nakikita para tanongin mo kung may kasama ako?" inis na sabi ko. Sinadya ko rin na mag tagalog para hindi nya maintindihan.
"Wow" manghang sabi nya at nakatingin lang saakin na para bang hindi maka paniwala. Nagulat pa ako ng bigla syang umupo sa upuan na kaharap ko.
"Ngayon lang ako naka kita dito sa amerika na marunong mag tagalog." nakangiting sabi nya na ikina nganga ko.
"Pilipino ka ba?" tanong ko dahil marunong din syang mag tagalog. Umiling naman sya at saka nag salita ulit.
"I'm pure Italian but I can speak tagalog dahil tinuruan ako ng step mother ko" sabi nya.
Tinaasan ko naman sya ng kilay ng inilahad nya ang kamay sa harapan ko. "I'm Hendrix Demener Villamerial" pag papakilala nya.
"Mckenzie Charm Hestia France Villamerious" pag papakilala ko rin at nakipag kamay sakanya.
Nangunot naman ang noo ko dahil pamilyar saakin ang pangalan nya parang nab–WAIT.
Tama! Isa sya sa mga nasa listahan ni dad na pwedeng ipa arranged marriage saakin.
Mag tatanong na sana ako sakanya pero nakita ko sa labas ng bar si Vlad na para bang hinahanap ako. Kaya naman agad akong tumayo at nag punta sa cashier para mag bayad.
"Aalis kana?" napatingin naman ako sa likuran ko ng marinig si Hendrix Villamerial.
"Yeah" maiksing sagot ko at nag lakad na palabas ng bar. Agad ko namang tinawag si Vlad at sumakay na sa kotse nya.
"See you soon, Ms. Villamerious" rinig kong sigaw ni Hendrix nang maka sakay ako sa kotse pero hindi ko na sya pinansin dahil pumasok na din sa sasakyan si Vlad at pinaandar na yon.
"Babalik ka na po ba sa pilipinas, Milady?" tanong ni Vlad habang nag dadrive.
"Yes. Dahil lailangan ko pang pumasok sa school" sagot ko.
"But why, milady? I mean you already agreed to marry Yuhan Grant then hindi mo na kailangang maka graduate sa pilipinas." sabi naman ni Vlad.
Tama naman sya. Hindi ko na talaga kailangang pumasok don pero nandon ang anak ng leader ng black snake organization kaya kailangan nandon lang ako.
Hanggang hindi ko napapabagsak ang Black Snake Organization ay hindi ako titigil at kung kinakailangang gamitin ko ang anak ng leader ng organization na yon ay gagawin ko.
Kaso ang tanong. Sino ang anak nya?
BINABASA MO ANG
SHE IS THE QUEEN (COMPLETED)
Teen FictionDESCRIPTION Mckenzie Charm Hestia France Strazza Villamerious SHE IS THE QUEEN