CHAPTER 38
Napabalik ako sa wisyo nang marinig ko ang sigaw ni Zach at kasabay non ay ang pag tama ng bala sa balikat ko na mahina kong ikina daing.
Pero hindi ko na 'yon ininda at itinuloy lang ang pag baril sa lahat ng kalaban na nasa harapan ko.
Ilang minuto pang pakikibarilan ay sa wakas naubos din ang mga kalaban namin na ikina hinga ko ng maluwag.
Kinuha ko ang cellphone at nag send ng message sa isang tao.
'Quezon Province, Lopez Quezon, 25-24 cafe. We need the cleaning crew here ASAP.'
Matapos kong isend ang message ay inilagay ko na sa bulsa ko ang cellphone at hinarap si Zach na ngayon ay kunot na kunot ang noo habang naka tingin sakin.
"What?" tanong ko sakanya. Hindi naman sya sumagot at nag derederetso lang sa pag lapit sakin at nagulat nalang ako ng bigla nya akong hilahin palabas ng cafe.
"Where are you taking me?" tanong ko sakanya pero hindi padin nya ako sinagot.
Tumigil lang sya sa pag hila sakin nang maka rating kami sa parking lot kung nasaan ang kotse ko. Walang imik syang pumasok don kaya pumasok din ako.
Napangiwi naman ako nang maramdaman ko ang hapdi ng balikat ko na may tama ng baril.
"We need to go to the hospital to treat your woun–"
"I don't need hospital" pag puputol ko sa iba pang sasabihin nya. Kunot naman syang tumingin sakin at sa balikat ko na dumudugo. Nakikita ko sa mga mata nya ang pag aalala pero hindi ko nalang pinansin yon at kinuha ang first aid kit na naka lagay sa backseat ng kotse.
Walang imik kong kinuha ang gunting at ginupit ang suot kong dress dahilan para makita ang suot kong bra. Nakita ko namang nanlaki ang mga mata ni Zach at agad na nag iwas ng tingin.
Napailing iling nalang ako at muling ginamit ang gunting para tanggalin ang balang bumaon sa balikat ko.
Masakit 'yon pero dahil sanay na ako. nanatiling walang emosyon ang mukha ko habang inaalis ang bala at nililinig ang sugat na gawa ng tama ng bala ng baril.
Ilang minuto lang ay natapos na ako sa ginagawa ko at nang tingnan ko si Zach ay naka titig lang sya sakin na parang gulat na gulat dahil sa ginawa ko.
"Why? Ngayon ka lang ba naka kita ng taong nabaril at marunong gumamot ng sari–" hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin ko dahil tumunog ang cellphone ko at agad ko namang kinuha yon para sagutin ang tawag.
"It's not Black Snake Organization. It's your Organization"
Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi ni kenzo sa kabilang linya.
"What do you mean?"
"Involve ang organization mo sa pag patay kay Alejandro Gomez at Thuro Cardon" sagot nya sa kabilang linya na mas lalong ikina kunot ng noo ko pero hindi na ako nag salita.
Pinatay ko na ang tawag at tiningnan si Zach na ngayon ay nag mamaneho. Pabalik na kami sa school ngayon para makapag exam pero mukhang hindi ako makaka pag exam dahil may kailangan akong gawin.
"Is there something wrong?" tanong nya nang mapansing naka tingin ako sakanya.
"Nag karon lang ng problema sa Organization na hinahawakan ko." pag sisinungaling ko.
BINABASA MO ANG
SHE IS THE QUEEN (COMPLETED)
Teen FictionDESCRIPTION Mckenzie Charm Hestia France Strazza Villamerious SHE IS THE QUEEN