CHAPTER 81
"Tangina!"
Malakas kong hiyaw at pinag babato ang lahat ng mga mahahawakan ko. Wala akong pakialam kung ano man 'yon o kung mamahalin ba 'yon basta ibinato ko lang ng ibinato dahil sa galit.
Hindi ako galit kay zach. Galit ako sa sarili ko. Tangina naman kase!
"Arghh" galit kong sigaw at sinabunutan ang sarili kong buhok.
Bakit? Bakit ko nagawang burahin sa alaala ko ang bagay na 'yon? Bakit ko tinanggal sa alaala ko ang katotohanan sa kung sino talaga si Zach? Bakit ko ba ginawa ang bagay na'yon nong araw na nabaril ako? Bakit? Tangina!
"Calm down, Reyna ko" pag papakalma saakin ni shadow pero hindi ko siya pinansin. Nanginginig ang buong katawan ko at hindi ako maka paniwala sa mga nalaman ko. Gusto kong burahin sa alaala ko ang mga nalaman ko ngayong araw at 'yon ang gagawin ko.
Mahal ko si Zach...
Ayaw kong maalala ang mga sinabi nila ngayon. Tiningnan ko muna sila shadow at ivough na ngayon ay mukhang nag aalala saakin.
"Walang susunod saakin" malamig kong wika at walang emosyong lumabas ng Head quarters. Mabilis akong sumakay sa kotse ni shadow at pinaandar 'yon patungo sa laboratory ko.
Ilang minuto bago ako naka rating sa lab ko at nag mamadali akong pumasok don saka hinanap ang isnag bote na alam kong makaka tulong saakin.
Natigilan naman ako nang makita ko 'yon. Ang gamot na kayang tanggalin ang mga alaalang nais kong kalimutan. Kaya nitong tanggalin ang ano mang alaala na nangyari ngayong araw.
Isang araw lang na memorya ang kaya nitong tanggalin kaya sigurado akong hindi madadamay ang ibang memorya ko.
Walang pag dadalawang isip kong ininom 'yon at pag katapos ay nag lakad na ako palabas ng lab at muling sumakay sa kotse ni shadow para pumunta sa school.
Isang oras lang. Isang oras ko lang dadamdamin ang sakit na dulot ng mga nalaman ko at pag kalipas ng isang oras malilimutan ko na ang mga nalaman ko ngayong araw.
Muli akong humiyaw sa inis dahil bumalik na ng tuluyan sa utak ko ang mga katangahang ginawa ko. Pakiramdam ko ay nag didilim na ang paningin ko at nag iiba na rin ang kulay ng mga mata ko.
Gusto kong manakit. Gusto kong saktan ang kahit sinong makita ko dahil hindi pa sapat para saan ang mga pinag babato ko.
Natigilan naman ako ng makita ko ang katana ko na naka sabit sa pader. Mabilis kong kinuha 'yon at ginawakan ng mahigpit saka pinag hahampas ang mga bagay na nakikita ko.
Paintings and Vases. Wala akong pakialam kung anong masira ko basta kailangan kong ilabas ang galit ko bago pa ako tuluyang mawalan ng kontrol sa sarili ko.
Naramdaman ko nalang na tumutulo na ang mga luha sa mata ko dahil sa sobra sobrang emosyon na nararamdaman ko. I want to kill someone. I want to hurt someone. I want see bloods.
Ano mang oras ngayon ay alam kong mawawalan na ako ng kontrol sa sarili ko at hindi yon maganda kaya kailangan kong kumalma.
Pinag hahampas ko lang ang lahat ng nasa harapan ko pero nang maramdaman ko ang presensya ng isang tao ay natigilan ako.
"SHIT!" rinog kong sabi niya. Mabilis ko naman siyang nilingon at tiningnan.
Bumungad sakin ang isang lalaking naka maskarang itim. Mabilis siyang lumapit saakin at nagulat nalang ako ng malakas niyang higitin ang katana mula sa kamay ko at itinapon niya 'yon sa kung saan.
"Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo? Ano bang nangyayari sa'yo?" sunod sunod niyang tanong sa napaka lamig na boses pero ramdam ko ang sobrang pag aalala niya.
Hindi ko alam pero biglang pumayapa ang utak ko at sistema ng makita ko siya. "Pagod na ako" mahinang sabi ko sakanya at humawak sa kamay niya dahil pakiramdam ko ay nanghihina na ang buong katawan ko at hindi ko na kaya pang tumayo.
"Shit! Your eyes." sabi pa niya. Hindi naman ako nag salita at tumingin lang sakanya.
Narinig ko ang pag buntong hininga niya at pag katapos ay inilagay niya ang isang kamay niya sa mata ko at dahan dahang iginaya ang mata ko para pumikit.
Nang maka pikit na ako ay biglang bumalik ang pakiramdam ko kanina na gusto kong manakit ng tao. I want to see blood. I want to hurt someone.
"Calm down, My queen." buong niya saakin at nagulat pa ako ng bigla niya akong hilahin palapit sakanya at niyakap ako ng sobrang higpit na para bang pinapakalma ako.
And It works. Unti unti ng humuhupa ang galit ko at pakiramdam ko ay gumagaan na ang pakiramdam ko and that's his power.
Shadow can make me calm with his hugs.
Nang humiwalay naman siya sa pag kakayakap sakim ay hinawakan niya ako sa mag kabilang balikat ko.
"I know you want to hurt someone right now so.." tumigil siya sa pag sasalita at ibinalik sa mga kamay ko ang katanang kinuha niya sakain.
"You can hurt me. Just don't kill me. Pwede mo akong saktan hanggang sa maging okay ka na." mahinang sabi niya habang hinahaplos ang pisngi ko na ngayon ay basang basa na ng luha.
Mariin naman akong tumitig sakanya at mahinang tumawa saka binitawan ang hawak kong katana. "Alam mong hindi kita kayang saktan." walang emsoyong wika ko.
Hindi ko siya kayang saktan. Kahit gaano pa katindi ang nararamdaman kong galit ngayon ay hindi ko kayang saktan ang nag iisang tao nakakakilala sakin kung sino talaga ako.
Mas gugustuhin ko pang saktan ang sarili ko kesa saktan ko siya.
"Ayaw mo talaga?" tanong niya at umiling lang ako. Tumango tango naman siya at niyakap nalang ako ulit. Hindi naman ako umangal dahil alam kong kaya kong kumalma kapag yakap niya ako.
Hugs can really makes me calm and okay.
Napasinghap naman ako sa gulat nang bigla niya akong buhatin pag katapos ay umakyat sa hagdan. Hindi ako nag salita dahil hindi naman niya ako ibababa kung mag pupumiglas ako.
Nang maka rating kami sa tapat ng kwarto ko ay binuksan niya ang pinto gamit ang isa niyang kamay at pumasok don saka ako inihiga sa kama.
Pero imbes na humiga ay umupo lang ako sa kama at tumingin sa labas ng bintana na natatanaw ang magandang paligid.
Galit parin ako ngayon pero kailangan kong kumalma dahil ayaw ko ng maka ulit ng isa nanamang katangahan.
Nangunot naman ang noo ko ng makita kong may dugo ako sa balikat kahit na wala naman akong sugat don. Mabilis akong tumingin kay shadow na mukhang palabas na ng kwarto.
Bumaba ang tingin ko sa kamay niya at napa mura ako ng mahina ng makita ang napaka laking sugat niya sa kamay at tumutulo na ang dugo mula don.
Mabilis akong tumayo at hinila siya saka itinuro sakanya ang sugat niya. "Manhid ka ba?" inis na tanong ko sakanya at tinulak siya paupo sa kamay.
Naging mabilis ang kilos kong kinuha ang first aid kit at sinimulang gamutin ang sugat niya.
"You look okay now" malamig parin ang boses niya sabi niya habang pinapanood akong gamutin ang sugat niya.
Hindi naman ako nag angat ng tingin sakanya dahil hindi ko rin naman makikita ang mukha niya ng maskara. "Kalmado na ako ngayon pero galit parin ako" sagot ko.
Hindi naman na siya nag salita kaya tinuloy ko nalang ang pag gamot sakanya.
BINABASA MO ANG
SHE IS THE QUEEN (COMPLETED)
Teen FictionDESCRIPTION Mckenzie Charm Hestia France Strazza Villamerious SHE IS THE QUEEN