Alas-kuwatro pa lang
Maaga pa upang dumalaw ka
Hindi mawari kung bakit kahit batid nang walang pag-asa ay pinipilit ng aking utak na mayroon
Iniisip kung paano ka kakausapin
Anong pwedeng sabihin
Tatabihan ka ba mamaya o lalayo pa rinAlas-kuwatro pa naman
Ang oras ay tunatakbo nang sa tingin ko ay marahan
Delekado na't dahil nalulungkot sa tuwing lumilipas ang araw nang hindi ka nasisilayanAlas-kuwatro na
Nandiyan ka pa ba?
Rinig ba ang bawat tibok ng puso sa likod ng bawat letra nitong salita?
Manhid ba o sadyang ayaw lang?
Bakit sa tuwing nagkakalapit ay naghahanap ng ibang pagkakaabalahan?Alas-kuwatro
Batid kong sumpa ang magsulat ng mga tula para sa 'yo
Alam kong sa pamamagitan nito'y magagalit sa akin ang tadhana
Ilalayo ka niya sa akin
Ngunit anong pake ko?
Mawala ka kung gusto mo—sane.
BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoetryMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...