Because I . . . wasn't there
Hindi ko nakita kung paano nagsimula
Wala ako sa unang tawa niyo nang magkakasamaI wasn't there
I will never be there
And I can't be thereWala ako noong magkakasama ninyong nilalakbay ang pasilyo
Habang naghahampasan bunga ng biruan ay naglalakad ako sa dulo
I wasn't there. . .Ngunit ngayong nandito na ako ay bakit biglang nag-iba ang ihip ng hangin?
Bakit nag-iba ang lasa ng bawat tawa?
Bakit nag-iba ang daloy ng mga biro?
Bakit hindi pinagtutuunan ng pansin sa tuwing may gustong sabihin?
Bakit?
Dahil ba nahuli ako at wala ako noong mga panahong 'yon?I wasn't there
Gustong manahimik
Ipunan na lamang ang mga salitang nais sabihin
Tatalikod sa tuwing may nais pag-usapan
O kaya'y hindi na lamang magsasalita hangga't hindi tinatanong
Kung ang problema sa ugali ay ikinaiinisan ay tatahimik nalang huwag lang iwanTuwing magbibiro ay hindi na sasagot
Tuwing bibiruin ay hindi na sasabat
Kung ayaw marinig ang opinyon ay kikimkimin nalang
Dahil wala akong karapatang kumuwestiyonWala ako nang mga panahong iyon
Wala akong alamBakit nariyan lang tuwing masaya?
Kung nais akong itaboy ay bakit hindi gawin?—sane.

BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoetryMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...