Ito ay panibagong yugto para sa panibagong tao
Kanina lamang sakay ng tricycle ay ginulat ang aking kaluluwa
Gulat man habang sapo ang dibdib ay masaya nang napatawa ka
Parang bumagal ang takbo ng oras
habang nakatitig lamang sa iyo
Nang gulatin ako'y para bang mga bituin nang kumislap ang mga mata moDapat nga'y magalit, paano kung natabig at nasaktan?
Ngunit dahil ay ikaw iyon ay naglaho ang inis na nararamdaman
Sapagkat ikaw iyon
Parang bagay na dapat ipagpaliban
Magagalit sa iba ngunit sa iyo'y tatawanan na lang din lamangKamuntikan nang murahin
Lintik na pana ni kupido
Paano kung imbis maglaho ay tuluyan pang lumalim ang nararamdamang ito?—sane.
BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoetryMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...