Gusto kong umiyak
Isigaw ang sakit na nararamdaman
Na hindi ko batid kung anong dahilan
Basta't kirot na lamang ang iniinda
Mahal, nandiyan ka pa ba?Gusto kong umiyak
Kung kaya't napagpasyahang isulat ang piyesang ito
Habang dumadaosdos ang luha
Habang ang kaliwang kamay ay nasa dibdib
Kayo ba'y hindi napapagod sa walang humpay na panunudyo?
Putangina, kung maaari lang umalis
At maging bula
Argh!Gusto kong umiyak
Hindi dahil sa pag-ibig kundi maingay na paligid
Animo'y nasa gubat na napapalibutan ng leon at oso
Hindi maaaring bumasag ng pinggan
O 'di kaya'y manira ng gamit
Kung kaya't idadaan na lamang sa salita ang nais ipahiwatigPagod ako
Hindi ang katawan kundi utak
Nais na lamang maglaho
Ang dating nais na pasuking mundo ay siya nang kinamumuhian ko—sane.
BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PuisiMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...