Binibigkas ang pangalan mo
Inaalala ang bawat detalye ng iyong mukha
Kinakabisado ang tono ng iyong boses
Ngiti ay pinipinta sa aking isip
Pangalan mo, pangalan moKung naririto lang sana ay hindi mapapagod na ikuwento ang mga nangyari
Sa loob ng mga araw na hindi ka kasama
Ngunit paano iyon?
Dahil kahit address ay hindi naitanong nang mawala ka
Parang bola
Naglaho sa ere nang hindi ko man lang nahawakanSinubok kong alalahanin lahat
Pinilit kong huwag makalimot
Kinabisado kita pero mas pinili ng isip kong lumimot
Pangalan mo, pangalan mo nalang ang tanging naaalala
Sa tuwing tinatanong ako kung saan ka nakatira
Sinta, kahit ang bagay na iyon ay hindi ko na maalalaLimot na ang init ng dampi ng iyong kamay sa aking likod
Hindi ko na maalala kung kailad ka unang nakilala
Wala na akong matandaan sa mga laro dating madalas akong pumupunta
Sinta, siguro nga hanggang sa pangalan nalang ang alaala—sane.
BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoetryMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...