Isa, dalawa
O baka umabot ng tatlong pulgada
Mata sa mata
Sinta, maaari bang yakapin ka?Hindi maintindihan
Paano natutong magsalita ang iyong mga mata?
Paano mo nagawang patigilin ang oras sa pamamagitan lamang ng mga salita?Isa, dalawa
Maaari bang ako nalang?
Tatlo, apat, lima
Sa paanong hugis mo nakikita ang aking mukha?Anim, pito, walo
Hugis ba ng pag-ibig
O
Pagkatalo?Siyam, sampo
Balik sa
Isa, dalawa
Paano ka ba makukuha?—sane
BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoetryMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...