Sinubukan kong maghilom ngunit hindi ko pa pala kaya
Paano pala ako magbibigay ng gabay sa iba kung pati ako ay sira pa?
Hindi pa pala kaya kahit anong subok ang gawin
Hindi magawang maghabi ng puso ng mga salitang walang kalakip na dilim
Para bang kay hirap ikabit ng ulap sa mga alaalang nais habiinSinubukan ko
Maniwala kayo't sa hindi
Ngunit sa tuwing nakikita ko ang kanyang imahe sa paaralan at panaginip
Ay biglang bawi ako sa aking sinabi
Hindi ko pala kayaNgunit sasabihin mismo sa akin na huminto na
Siguro roon pa lang susubukan ulit
Ngunit ngayong sa tingin ko hindi pa kaya ay magsusulat hanggang muling makabawiLabis pa rin ang lakas ng pintig ng puso tuwing nariyan ka
Nae-estatwa pa rin sa tuwing nagtatagpo ang mga mata
Sinubukan kong umiwas pero huli na
Nang muli na namang bumangun ang pag-asang akala ko nadaig ko naSinubukan ko
Maniwala ka
Saksi ang hangin nang sabihin kong "Hindi ko na kaya"
Ngunit nang makita ka'y napabulong "Susubok pa siguro, baka sakaling may tiyansa"Alam kong wala na
Pero malay mo
Malay ko
Malay nating dalawa—sane.
BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoetryMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...