Burado

3 0 0
                                    

Nabura na nang tuluyan
Masaya ka na ba?
Saan mo gustong pumunta at nang maihatid kita
Sa lugar kung saan mapupunuan mo ang mga nawala nating alaala
Kasama man ako o hindi na

Burado na ang lahat
Wala ni pirasong natira
Kung magmamakaawa akong huwag nang umalis ay pakikinggan ba?
Maaari naman tayong gumawa ng panibago
Kung sakaling malaman ang totoo ay pipiliin pa rin ba 'ko?

Sa likod ng mga maling salita na lumabas sa bibig
Saan ako lulugar kung alam kong ang tinatapakan ay puro na tubig?!
Kung saan dahan-dahan akong lumulubog
Paano aahon kung ang tulay na lalakaran ay tuluyan nang sumabog

Burado na
Mahal, saan ka pupunta?
Bakit sa dahan-dahang paglubog ko sa tubig ay 'di kita makita?
Wala ka bang balak na tumalon upang sagipin ako?
Papanoorin nalang ba akong lamunin ng tubig nang hindi nasisilayan ang mukha mo?




—sane.

Sana Bukas Hindi Na MasakitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon