Ilang pahina pa ba ang kakailanganin
Para perpektong maiguhit ang iyong mukha?
Sa palagay ko'y walang sino man ang sa bagay na iyon ay makakagawa
Dahil kung lubos tutuusin ay walang mayroong kakayahan kahit ang pagsunod man lang sa bawat linya ng iyong ngiti
Kahit ang pinakamagaling na manguguhit sa balat ng lupa ay hindi ka magagawang gayahinSapagkat siya lamang—ang diyos
Ang kaya kang buohin nang perpekto
At ako ang magsisilbing tagahanga habang nakatitig sa iyo—sane.

BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoetryMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...