Siguro ito na ang magiging huling pahina ng pagkabigo
Nais namang magsulat ng masasayang alaala
Ikinalulungkot ko ngunit siguro matagal-tagal pa?
Ngunit asahang hindi na muling babanggitin ang pangalang nagpaabot sa akin dito sa huling pahinaSiguro nga tama sila
Minsan kailangan nating bitawan ang ibang bagay lalo pa't kung nakakasakit na
Normal lang naman daw na bumitaw at sabihing "Sa wakas, natapos na"Siguro nga'y kung sa atin ay ibibigay naman iyon
At kung hindi siguro hindi pa ito ang tamang pagkakataon
At siguro para sa iba ka nakalaan
Hindi sa akin
Hindi magiging akin kailanmanNgayon tanggap ko na
Tatanggapin ko na
Minsan kailangan ko nga'ng makinig sa iba para maiwasang mangyari ulit ang ganitong trahedya
Trahedyang minsan kong nagustohan
Ngunit tama nga naman sila sa kasabihang "Hindi lahat ng gusto mo ay gugustohin mo nang walang kapaguran"Ang pahinang ito ay magsisilbing wakas at panimula
Sa bagong mga tulang iaalay sa iba ng may akda
Nakarami na ng mga alay sa iyo
Siguro naman panahon na para ihinto ang kabaliwang itoAlagaan mo na lamang ang iyong sarili
Magkita na lamang kung kailan maaari—sane.
![](https://img.wattpad.com/cover/349114693-288-k726777.jpg)
BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoetryMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...