Binilang ang bawat letra ng iyong pangalan
Sa pagbibilang ay may iilang bagay na natutunan
Alam kong sumpa na gawan ka ng tula subalit gagawin pa rin
Susulatan ka ng libro kung mamarapatin
Ngunit sa babaw ng nararamdaman ay maikli lang ang maisusulat
Nueve
Bilang ng kabanatang isusulatNueve
Nais mo ba akong maging bidang babae?
Sapagkat ang gusto ko'y maging kontrabida na siyang magiging dahilan ng pagtakbo ng istorya
Ako ang sisira sa buhay na mayroon ka
Ilalayo ka sa mundo
Sinta, nais mo bang sumama?—sane.
BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoetryMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...