Kamukha

35 0 0
                                    

Umuulan
Nakakatuwa dahil hindi na katulad ng tinig nito ang dating naririnig ng tenga
Sa bawat patak ng ulan ay naaaninag ko ang iyong mukha
Shit, naalala na naman kita
Paano'y bakit nakikita ng aking mata ang iyong kamukha?

Sa apat na sulok ng silid ay nakahiga sa isang kama
Nang matanaw ng aking mga mata ang mga litratong nakasabit malapit sa bintana
Hindi ikaw pero sa litratong iyon ay nakikita kita

Mula ngiti at sa hugis ng mata
Mula buhok hanggang sa titig ay iba
Hindi iyon ikaw pero bakit mukha mo ang nakikita?
Sinta, huwag nang gambalain pa


—sane.

Sana Bukas Hindi Na MasakitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon