Nakakalito, nalilito tayo
Bakit sa tuwing nagtatagpo ang mga mata'y bakas dito ang mga tanong na "Kilala ba kita? Kilala mo ba 'ko?"
Nalilito ako, nakakalito tayoPaano kung lapitan ka?
Paano kung hawakan ko o takpan man lang ang iyong mga mata?
Paano kung hahayaan kitang pumikit at isipin nang mabuti kung kailan mo talaga ako unang nakita?
Maaalala mo ba?Nakakalito, nalilito tayo
Hindi ko batid ngunit kabaliktaran ng gusto kitang malapitan ngunit takot na malapit sa 'yo
Sa tuwing nagkakasalubong ay itinutulak ng katawan na lumiko sa kabilang dako
Nakakalito, nalilito tayoBakas ang tanong sa iyong mga mata
Mga tanong na hindi ko masagot kahit ipilit pa
Sapagkat nakakalito, nalilito tayo
Sa pagdating ng araw ay saka mo mapapagtanto
Kung bakit hindi kailanman tayo
Naging magkaparehoNgunit isang bagay, isang bagay ang tiyak na alam ko
Ilang linggo na lamang ay tuluyan nang magkakalayo—sane
BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoesíaMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...