Patak

10 0 0
                                    

Sa pagpatak ng luha ay kasabay nito ang dahan-dahang pagkagunaw ng mundo,

Sabihin mo sa akin ng mata sa mata kung wala ang sarili mo'y sino ang hahawak sa 'yo,

Sa pagpatak ng luha ay nagkukunwaring hindi naiiyak ngunit oo,
Kung wala ang sarili'y sino ka sa tingin mo?

Walang hahawak sa 'yo,
Walang magsasabi ng totoo kung sino ka talaga,
Kaya sino ang paniniwalaan mo kung sakaling tinraydor ka nila?

Sa pagpatak ng luha ay sabay ang pagbagsak sa lupa,
Sino ka talaga sa tuwing walang ibang nakakakita?

Ikaw ba ay ikaw sa tuwing nariyan sila?
O ikaw ba ay ikaw kahit nariyan sila o wala?

Sa pagpatak ng luha ay paano kung itakwil ka ng lahat?
Paano kung paalisin ka sa lugar kung saan ka kumportable?
Paano kung walang ibang lugar ang tatanggap sa 'yo?
Pipilitin mo ba na manatili?

Sa pagpatak ng luha ay bilang nalang ang araw,
Paano kung kinakailangan mong mamatay nang hindi pumapanaw?

Sapagkat ako,
Hindi ko alam ang gagawin,
Sa bawat pagpatak ng oras habang naliligaw ay hindi ko malalaman kung ano ang pipiliin,
Sapagkat sa mga araw na nalilito ay nais kong lumayo sa mundo,
Gusto kong mapag-isa at iwan ang mga bagay na nakasanayan ko,
Nais ko munang umalis at magpahinga!
Bakit ipinagkakait sa akin ng kalawakan ang kalayaang mayroon ang iba?!


—sane.

Sana Bukas Hindi Na MasakitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon