Talim

84 3 0
                                    

Talim ng titig
Mga matang nakakaligalig
Tikom ang bibig
Presensiya'y walang bakas ng pag-ibig

Kahapon lang ay walang nararamdaman
Ngunit nang kinabukasan ay bigla ka na lamang nagustohan

Ano ang iyong gamit na mahika?
Bakit sa talim ng  titig ay walang bakas ng pag-ibig sa iyong mga mata?
Talim lamang
Wala nang iba pa

Makulimlim ang langit
Apat na metro ang layo
Sa tabi ng bintana ang iyong mga mata'y nakapako

Matapos mag-iwas ng tingin sa akin
Animo'y kisapmata
Talim ay nagsilbing linya sa pagitan nating dalawa

Titig na hugis pana
Na tumama sa aking kaliwang dibdib
Sentro sa puso
Na nais isigaw ang sakit

"Ah!" Nais kong isigaw
Kaonti na lamang ay maririnig na ang mga palahaw

Kapag minamalas ka nga naman!
Ano ba't parang suki ng pagkakamali ni kupido ang aking nararamdaman!

Talim!
Iyon lamang ba ang lahat?
Kagaya ng sa iba ay hindi parin ba ako naging sapat?

—sane

Sana Bukas Hindi Na MasakitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon