Mata

9 0 0
                                    

Bakit nakatakdang gustohin ng tao ang bagay na hindi nila makukuha?
Bakit itinitibok ng puso ang taong nakatakda na sa iba?

Sa dami ng bakit ay naaalala na kita
Nakatatak sa isipan ang iyong ngiti, hugis ng mata, tindig, boses, pati na ang presensiya sa tuwing nilalapitan ka

Mahal ko ang iyong mga mata
Ngunit kinakailangan nang lumayo bago pa man ito mas lumalim pa
Pakiusap, kung makikita ito'y huwag nang isipin
Hayaan mong isulat na lamang ang mga nararamdamang hindi ko nais sabihin
Maglalaho rin ito
Halika't kausapin mo na ako

Mahal ko ang iyong mga mata
Sa lalim nito'y hindi na kayang sisirin pa
Batid kong mayroon ng binibini ang nakaagaw ng iyong atensiyon
At tanggap ko iyon
Alam kong sa karerang sinalihan ay talo na
Kung kaya't wala ng ibang bagay pa ang kayang mahalin kundi ang iyong mga mata





—sane.

Sana Bukas Hindi Na MasakitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon