Ito'y kakabitan na lamang ng mga pekeng alaala
Simula ngayon ay gagamit na ng mga may kabuluhang pagtatagpi-tagpi ng mga letra
Bubuo ng mga pangyayaring hindi mangayayari sa totoong buhay
Iyon ay ang tuluyang mahawakan ang iyong mga kamayHindi matandaan kung anong araw
Ngunit nangyaring dumaan ka habang pauwi
Nilingun ang aking puwesto sabay kaway at ngiti
"Paalam" sabay sabing "Kita nalang tayo bukas"
"Kikitain ka sa harap ng tarangkahan"
Siguro'y lulundag paalis ang puso kung sakali mang makatotohananBitbit ang bag ay sabay maglalakad pauwi
Patitilain ang ulan ngunit ang totoo'y gusto lamang nating manatili
Magkuwentohan tungkol sa pangyayari sa buong araw
Abutin man ng gabi o kahit patay-patay ang ilawSa harap ng posteng ating kinatatayuan
Kung maaari lang ay magsasayaw sa ulan
Gagawing saksi ang mga tala at buwan
Ulap at bituin kung mayroon man
BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoetryMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...