Bisita

39 0 0
                                    

Kung bibisitahin ka
Kung sakali ay pagbubuksan ba?
Maglalahad ba ng kamay upang ako'y papasukin at ang pinto ay tuluyang isasara?
Ako kaya'y ituturing na bisita?
Na aalis din matapos kang makita at makasama?
O pagkatok ko'y walang taong sasagot
Pagkat ang bahay na pinuntahan ay abandonado na
At sa harap nito ay isang panibago
Kung saan siya'y kumakatok at ikaw ang mukha ng taong bubungad sa kanya

Wala na palang nakatira
Sa bahay na dati ay atin
Lumipat na pala
Ng matutuluyan ang iyong damdamin

Gayun man ay nagagalak pa rin
Na masilayan ka
Hindi man nagalak sa pagbisita
Ay masaya nang muling makita ang ngiting umaabot sa mata

Sinta, sa ibang araw na lamang bibisita
Hindi na sa bahay
Kundi sa lugar kung saan ka maaaring makita

—sane.

Sana Bukas Hindi Na MasakitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon