Halika't samahan mo akong isulat itong panibagong alaala
Ikinalulungkot ko ngunit ito'y hindi na patungkol sa kanya
Ang paglimot ay kinakailangan nga talaga yata
Kaya ginawa ko naSa pagtulog ay kausap ko ang sarili
Sa paglimot ay kalakip niyon ang mga alaalang nanatili
Na hindi kailangang burahin ngunit kailangan nang ilagay sa tamang puwesto
At iyon ay sa isip na lamang
Hindi na sa aking pusoKung kaya't sa pagpapatuloy nito
Ay samahan mo ako
Halika't patunayan nating hindi lang umiikot sa isang lalaki ang ating mundo—sane.
BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoetryMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...