Malakas ang bugso ng hangin nang magtagpo ang ating distansiya sa pasilyo ng paaralan
Sinuong mo ang nangangalit na baha at ako'y nilagpasan
Kakaiba, talagang kakaiba
May kirot na dumalaw sa aking puso lalo na nang lingunin ko ay sa kanya ka pala pupunta
Ang ngiti sa iyong labi ay tila hindi mabubura
Ngiting siya lamang ang may dulot
Alam ko dahil sumasalamin iyon sa iyong mga mataMalapit nang matapos itong alam ko ay nakakapagod na paghanga
Malapit nang maubos ang sayang inyong tinatamasaNais ko kayong isumpa
Saksi ang ulan at hangin
Alam ng ulap at ng dilim
Nais kong sumumpa na hangga't tayo'y nasa iisang lugar ay maililipat sa inyo ang sakit na aking naramdaman!
Isinusumpa ko, sinta saksi ang buwan at kalawakan!—sane
BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoetryMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...