Ganoon na lang ba talaga?
Ganoon ba kadali sa 'yong palitan ako?
Para ka lang yatang bumili ng yelo
Para ka lang yatang lumunok ng tubig?
Bakit ang dali sa 'yong patirin ang uhaw sa pag-asang hindi ko mapatid?Ganoon na lang ba talaga?
Hingang malalim, mahal baka nabigla ka lang niya
Baka naman puwede pang magawan ng paraan ang pagbitaw mo sa taling patuloy kong kinakapitan?
Baka naman,
Baka naman kaya pa. . .Pwede namang ibaon sa limot ang lahat kung nais mo
Narito lang ako kung sakaling mapagtanto mong ang pagmamahal na nararamdaman mo sa kanya'y hindi naman talaga totooPero, mahal ganoon na lang ba talaga?
Kay dali mo namang maisip na kalimutan ako gayung ako'y hirap iyong magawa
Pero ika nila ang pagmamahal ay hindi ipinipilit
Pero sa akin hindi iyon uubra
Gugustohin pa rin kita kahit ang sakit
sakit na—sane
BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoesiaMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...