Ito na ang panghuling pahina
Ngunit ang nararamdaman ay hindi rito nagtataposPanibagong mga kuwento kalakip ng mga salita
Sa darating pang mga araw nawa'y tuluyan na nitong mapawi ang luhaSa ibang mundo ay maaari kayang hindi ganito ang pangyayari?
Malalagyan kaya ng prologo o mapapabilang lamang sa nawawalang pahina?Ayokong isipin, sinta talagang nakakapanghina!
Hindi ko alam kung paano mararating ang huli ngunit nais kong magsimula ng panibago
Gayunpaman
Ikaw parin
Ikaw naman lagi
Ikaw parin ... Ang magiging paksa nito—sane
BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoetryMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...