Kung sakali bang sinabi ko
Mula simula hanggang dulo
Iku-kuwento sa 'yo ang lahat, kung bakit at paano
Pakikinggan ba 'ko?Kung umamin ba'y may pag-asa?
Kung sapilitang kinuha ang kamay ay sasama kaya?
Pakikinggan ba ang buong araw na pagsasalita para ipaliwanag kung paano mo ako nakuha?Kung umamin ba'y may pag-asa?
Tatanggapin ba ako kung sakaling nalaman mo nang mas maaga?
Mas masaya kaya ang katapusan ng kuwento kung hindi kaduwagan ang nanguna?
O pareho pa rin ngunit ibang rason naman ang sisira?Kung umamin ba'y may pag-asa?
Sagutin ako ng oo o wala
Ngunit kung wala sa pagpipilian ang sagot ay hindi ka pipiliting magsalita
Hindi ganoon ang pagmamahal
Huwag ipilit ang mga bagay na natapos na—sane.

BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoetryMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...