Kung bakit ba kasi masyadong malayo ang agwat natin sa isa't-isa
Hindi sa idad ngunit sa mataas na istado ng buhay kung saan naroon ka!
Nais kong sumigaw
Magwala at manira ng bagay!
Bakit sa dinami-dami ng pag-asa ay sa pag-ibig ay sa akin hindi iyon kayang ibigay?!Kung maaari
Kung maaari lamang
Ayain akong maisayaw sa huling gabi ng pagkikita
Sabihin sa akin ang lahat ng nais sabihin bago tuluyang tumigil ang laro ng tadhana
Hindi nito tayo hahayaan
Alam nating dalawaNgunit hindi ba ang aking maloloko?
Humihiling ako hindi sa bituin kundi sa bitak-bitak na bato
Sa tingin mo ba'y hahayaan nito tayo?
O ako dahil hindi naman batid kung alam moKung maaari
Kung maaari lamang
Sa pagtatapos ng gabing darating
Nais kong tuluyan kang kalimutan—sane

BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoetryMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...