"Uupo nalang at aawit, maghihintay ng pagkakataon"
Ngunit hanggang kailan?
May patutunguhan ba?
Kung sakaling hilingin na manatili ay pakikinggan kaya?Paano kong gusto ang yakap mo?
Mahigpit na madarama ang lakas ng tibok ng puso ko
Pakinggan ang indak ng bawat paru-paru
Na hindi mapakali sa tuwing lumalapit sa iyoNais kang mayakap
Ibalot ang sarili sa init ng iyong katawan
Ano kaya ang pakiramdam ng pagdampi ng iyong kamay sa aking likuran?
Siguro'y mag-iisang panaginip kung mangyari man—sane.
BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoésieMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...