Nagiging mas mapaglaro yata ang tadhana
Sinusubukan talaga nito ang pasensiya ko,
Bakit kung kailan umiiwas na ay saka pa ako nilalapit sa 'yo,Namimikon ang distansiya
Takot na madampian ka,
Ngunit imbis ilayo ako ay heto, katabi na naman kita,Ano ba't hanggang ngayon hindi pa rin ito napapagod sa paglalaro,
Ilang laban na ang naitalo,
Pinipigilan ang sariling umamin dahil batid kong hindi magiging maganda ang epekto,Hindi ako ang gusto,
Ganoon ka lang talaga sa lahat,
Kung kaya't bakit ipinipilit ng isip na gusto ako kahit ang magandang pakikitungo ay hindi naman sapat?Bilang ebidensiya na ako ang pipiliin,
Na kahit lapitan ka't kausapin ay walang kuwenta ang pag-amin,May ibang binibini na,
Batid ko iyon,
Ngunit kung gano'n ay maaari ba na tumigil sa pagbibigay sa akin ng mga senyales na may pag-asa?
Sapagkat hindi naman ako mahirap kausap kung sakaling mawala nga—sane.
BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoetryMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...