"Dahil naroon ako, nakita ko lahat"
Bagay na nais sabihin nang isumbat mo sa akin na wala akong alam
"Tinulungan kita noong palubog ka na!"
Gusto kong sabihin ngunit takot na baka isipin mong sinusumbatan kitaDahil nakita ko lahat
Alam ko kung paano ka nagmakaawa na balikan niya
Inalalayan kita patayo nang lumuhod ka
Binigay ko sa 'yo ang nag-iisa kong panyo nang halos maubos ka na
At ang balikat ko . . .
Pinasandal kita noong napagod kaNaroon ako, nakita ko lahat
Pero para akong kahoy na hindi mo matignan sa mukha
Ayaw mong alamin kung kanino ka nakasandal
Parang hangin ako nang ibigay ko sa 'yo ang malinis na panyo
Malamig na hangin na umalalay sa 'yo patayo
Hindi mo nilingun kung kaninong kamay ang nakahawak sa 'yo nang muntik ka nang bumagsak
Ako iyon!
Dahil naroon ako, nakita ko lahat—sane.
![](https://img.wattpad.com/cover/349114693-288-k726777.jpg)
BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoetryMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...