Nilalamig ba?
Sa hangin o sa pagsinta?
Nais ba ng yakap o ng halik sa noo?
O maupo at makatabi lamang ako?Nilalamig ba?
Nais mo bang kantahan kita?
Nais mo bang mapakinggan ang himig ng pag-ibig?
O ang tunog ng pusong naliligalig?Nilalamig ba?
Nais mo bang puntahan kita?
Balutin ang sarili sa kumot habang nakaupo sa sala
O sa harap ng apoy malapit sa karagatan kung maganda ang klima?Nilalamig ba?
Bakit hindi nalang sabihin na ubos na?
Na ang dating puno ng saya
Ngayon ay animo'y apoy na naubusan ng bagaKung nilalamig na ay bakit hindi pa magpahinga?
Kausapin ako't mahiga na sa kamaNilalamig ba?
Kung gano'n ay magpahinga na—sane.
BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoezjaMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...