Wala akong makita
Nakapatay ba ang ilaw?
Hindi na marinig ang iyong boses
Nawala na ba ang pandinig?
Kinakapa ang paligid ngunit hindi kita mahilap
Umalis ka na ba nang tuluyan?Namamasa ang pisngi bunga ng luha
Hindi mapakali dahil sa dilim
Humihikbi habang isinisigaw ang iyong pangalan
Sumisigaw hanggang sa mawala ang boses
Hindi ako titigil hangga't hindi ka naaabot ng mga kamay—sane.
![](https://img.wattpad.com/cover/349114693-288-k726777.jpg)
BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoetryMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...