Lahat ng wala ay mayroon
Mga bagay na hindi ko taglay ay nasa kanya
Kung pipiliin man ay hindi mangyayari iyon
Dahil walang mayroon sa akin na maitatapat sa kanyaLahat ng wala ay mayroon
Kung mangyari mang matapos ang laban ay sa simula pa lang batid ng talo
Pansin dinang pagkakaiba ng pakikitungo mo sa akin at sa kanya
Kung gaano ka kalamig makitungo sa akin ay hindi naman matanggal ang ngiti sa iyong labi sa tuwing kausap siyaLahat ng wala ay mayroon
At wala akong panama sa kanya
Tatanggapin na lamang ang pagkatalo at sa pagtalikod at paglalakad palayo ay hahayaan ka—sane.
BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoetryMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...