Unawain nang husto ang mga salita
Sabihin sa akin kung paano ito inintindi
Basahin nang mabuti bago pa man magsisi
Nawa'y maintindihan ang bagay na ginawa sa kabila ng nangyariGusto kita
Ngunit hindi ba't lahat ng bagay ay limitado?
Tulad ng nagustohan lamang kita dahil sa pag-uusap ay kinapos tayo
Kausapin mo ako nang ilang minuto at tiyak kong mawawala rin ito
Ganoon kababaw ang pagkakagusto ko sa 'yoUnawain nang husto ang mga salita
Huwag ipahiya ang sarili sa gitna ng madla
Sabihin sa akin kung ano ang sa tingin mong nararamdaman
Tanggap kung ano man iyon
Hindi ipipilit sapagkat ang pagmamahal ay hindi ganoon
Hindi, hindi ganoon
BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoesiaMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...