Pag nagkasalubong ay maaalala mo ba ako?
Kung sakali ay hihinto ka ba upang ako'y tanungin kong magkakilala ba tayo?
Makikipagkamay ka ba?
Tatapikin ba ang aking balikat nang marahan?
Sasabihin bang "ang laki ng pinagbago mo!" kahit kaonti lang naman?
Maaalala ba kaya ako?Kasi ako
Kabisado kita
Kahit nakatalikod ay makikilala ka
Kahit nakapikit ay memoryado ang tono ng iyong boses
Kahit nakapiring
Kahit ilang metro ang layo hangga't natatanaw ka
Gano'n ko ka kabisado ang buong ikaw
Kabisadong-kabisado kitaPag nagkasalubong sa daan ay hihinto ka ba?
Lilingun upang tanungin kong kamusta na?
Kasi kung makakasalubong kita ay wala akong gagawin
Sa paglalakad paalis ay lilingunin
Ngingitian, tatanawin nang ilang segundo bago tatalikodSa mundo mo ay ayoko nang manggulo
Kung maaalala mo ako ay salamat, ngunit kung hindi ay ayos lang
Kabisado kita
Ayaw mo nang hinahabol ka
Ayaw mo nang may nagpapapansin sa 'yo o 'di naman kaya'y nagpapakita ng nararamdaman nilaKabisado kita
At dahil sa bagay na iyon ay alam kong ang pag-asang maalala ako ay malabo naKinabisado kita
Bagay na sana hindi na lamang ginawa—sane.
BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoetryMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...