Papatulugin ka't kakantahan
Habang haplos ang buhok at nakahiga sa duyan
Tatanawin ang kinang ng mga tala sa kalangitan
Hahalik sa noo't yayakapin ka sa tagiliran
Pipikit habang dinadama ang lamig ng hangin
Tanging tinig ng kalikasan lamang ang mamamayani sa atinPagmulat ng mga mata ay bumalik sa reyalidad
Nakahiga sa kama yakap ang unan
Na napanaginipang ikaw
Nakasakay tayo sa duyan
Kapalit ng tulog ay ang karanasang makasama ka—sane.

BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoetryMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...