Sa wakas, enrolled na!

31 0 0
                                    

Sa pagsisimula ng unang taon sa kolehiyo
Enrolled ka na rin ba?
Ako kasi, tapos na
Ikaw ba? Oo rin sana

Ngunit sa taong ito at mga susunod pa
Hindi ka na makikita
Hindi na magagawang dumaan sa tapat ng departamento upang tanawin ka
Wala na ring sisilipin tuwing flag ceremony dahil ang mga taong magkasama ay natapos na

Sa wakas, enrolled na!
Architecture ang kinuha kong kurso, ikaw ba?
Kamusta ba riyan?
Nawa'y maging maayos ang daloy kung sakali mang hindi pa

Tila hindi na nagre-reply sa mga pinapadalang mensahe
Limot na ba ako o sadyang hindi lang bakante?
Kung oo ay gawin nalang kung kailan maaari
At kung maaari

Paano ba 'yan
Hindi yata ako nagawang paboran ng panahon
Minsan na nga lang humiling
Tinulak pa palayo ng pagkakataon

Paano?
Ako'y pipihit na
Alagaan ang sarili't gayun din ako
Sinta, hanggang sa muli nating pagkikita

—sane.

Sana Bukas Hindi Na MasakitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon