Umuulan ba?

35 0 0
                                    

Umuulan ba?
Maari bang pagmasdan ang langit kung nagdidilim na?
O 'di kaya'y tanawin ang bawat patak nito sa bintana?

Umuulan ba?
O mainit na?
Palubog na ang araw ngunit walang kahel na makikita
Dumidilim na nga, hindi ba?
Anong naaalala sa bawat paggalaw nito pababa?
Ako ba? O siya?

Nais kong magsulat ng masasayang pyesa
Ngunit sa bawat pagtipa ng letra
Ay pangalan mo ang nagsisilbing tema
Paano ka lilimutin kung mukha mo sa bawat sulok ng kuwarto ang nakikita?
Sinta, ngayon ay umuulan na nga


—sane.

Sana Bukas Hindi Na MasakitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon